Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Wala na talaga kaming relasyon -- Dennis

Author: Nitz Miralles

How true na may effort ang Kapuso actresses na may sexy image na palitan o salisihan sa trono si Katrina Halili sa GMA-7?

Nagpapapayat daw ang sexy stars ng network hoping na sa kanila ibigay ang mga role na dating ginagampanan ni Katrina.

Bigla raw nabakante ang trono ni Katrina. Wala itong show ngayon dahil priority ang kaso nila ni Dr. Hayden Kho at ang kasong isinampa laban sa mother ng doctor. Turo ng kausap namin, pansinin namin ang may sexy image na Kapuso stars at madidiskubreng may silent effort sila na mas sumeksi at palitan si Katrina, pero pumayag kaya si Katrina?

* * *

Mas may pressure kina Dennis Trillo at Jennica Garcia ang Adik Sa 'Yo dahil sa agwat ng kanilang edad at hindi pa alam kung may chemistry sila at kung magki-klik sa viewers ang tambalan nila.

Pero sabi ng actor, ginawa nilang dalawa ang lahat para tanggapin sila bilang loveteam at tinulungan sila ni Direk Joel Lamangan.

Hindi lang acting ni Dennis ang pinuri ni Direk Joel, pati ang kanyang Batangueño accent na lutang na lutang. Hindi rin nahirapan ang actor sa shifting from drama to comedy dahil nakatulong ang paggi-guest niya sa Bubble Gang para lumabas ang comic timing niya.

Balitang babalik sa GMA-7 si Cristine Reyes, kaya pinag-comment si Dennis tungkol dito, pero sabi nito, wala siyang alam although may naririnig siya.

"Siguro kung babalik siya, hindi dahil sa akin, but for her fulfillment. Wala na talaga kaming relasyon, kaya hindi ko alam bakit 'di nawawala ang isyu sa amin. "Desisyon ng management kung pagsasamahin kami, ayaw ko munang mag-comment," sabi ni Dennis.

Si Jennica, kinakabahan sa tambalan nila ni Dennis, pero mas nangingibabaw ang tuwa na isa siya sa mga bida ng rom-com series, mas malaking project at role. Bulong sa amin ng manager ni Jennica na si Manny Valera, bagay ang bratinella role nito sa ASY dahil bagong endorser ng Bratt t-shirts and jeans ang actress.

* * *

Mas lalong ipagmamalaki ni DENR Sec. Lito Atienza si Manny Pacquiao dahil nasali at the only Filipino ang boxing champ sa Celebrity 100 list ng Forbes. Tinalo pa ni Manny ang mga tycoon at milyonaryo ng bansa at kahit number 57 ang ranking niya, malaking bagay ito't base sa kinikita ang ranking.

Tungkol naman sa gagawing pelikula ni Manny sa Solar Films, mag-ingat daw si Manny dahil sa movies nanggagaling ang mga problema, pero puwede siyang maging co-producer.

Naikuwento ni Sec. Lito na kahit saan siya magpunta, kung 'di si Manny, ang anak niyang si Kim Atienza ang hinahanap ng mga tao sa kanya.

"Masuwerte ako and I thank God, may Kim na at may Manny pa," sabi ni Sec. Lito.

Samantala, kasabay ng selebrasyon ng World Environment Day kahapon, nagsampa si Sec. Lito ng kaso laban kay Manila Mayor Alfredo Lim kaugnay sa pagpirma nito ng batas na pumapayag manatili sa Pandacan ang oil depot.

Bilang private citizen at former mayor ng Manila raw ang pagpa-file niya ng kaso kina Mayor Lim at Vice Mayor Isko Moreno.

* * *

Malaki ang plano ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista sa scholarship program ng Bagets Foundation, Inc.

Darating ang araw na hindi lang Metro Manila students ang makikinabang, kung 'di nationwide, pero kakailanganin nila ng mas malaking pera.

"Eventually, bubuksan at tatanggap kami ng tulong sa ibang gustong tumulong. Kailangan lang namin ng track record and so far, maganda ang record ng three years ng Bagets Foundation.

"Parang sa Gawad Kalinga na pati overseas Pinoys ay tumutulong. Malayo pa ang tatakbuhin nito, sana tuluy-tuloy ang tulong ninyo," sabi ni Herbert.

Hindi na puproblemahin ng Bagets Foundation ang trabaho ng nag-graduate nilang scholars dahil tutulungan sila ng PUP, kung saan sila nagtapos, na makahanap ng trabaho.

Source: People's Tonight