|
|
| Wala pang nakakaagaw sa trono nina Gary Valenciano, Martin NieveraAuthor: Chan-Chan Torres MULING pinatunayan ni-na Martin Nievera at Gary Valenciano na sila pa rin ang mga nagmamay-ari ng trono bilang mga sikat na concert performers sa bansa gaano man karami ang baguhang singers ngayon na gustong maging katulad nila. Pinatunayan nila ito sa As 1 concert nila na ginanap sa SM Mall of Asia concert grounds nitong Sabado. Pag-labas pa lang nina Gary at Martin sa stage, hiyawan na ang audience na tinatayang umabot na sa ilang libong katao. Gary and Martin both sang their respective hits. Sa simula pa lang ng concert, humahataw na ang dalawa sa entablado. May kanya-kanyang moment sina Martin at Gary to show what they have prepared for eve-ryone. Everyone was delighted when Martin did the Broadway medley, ang galing ta-laga. World class ang quali-ty ng bosses ni Martin kaya naman kayang-kaya niya ang broadway classics tulad ng That's All I Ask of You, Somewhere, Memories at marami pang iba. Hindi nagpahuli si Gary sa paghataw niya on stage. Ipinakilala siya ni Martin bilang Michael Jackson of the Philippines at talagang humihiyaw ang mga manonood nang inum-pisahan na ni Mr. Pure Ener-gy ang kanyang Jackson moves. Pero, isa sa mga nagpasaya sa gabing 'yon ay ang pagsayaw ni Martin, on stage. As in, he did try to do some Gary V dance moves, talagang hiyawan ang fans. Siyempre, hindi nawala sa repertoire nila ang favo-rite hits of all time ng mga Pi-noy. Ang galing ng arrangement kasi sinasabayan nila ang isa't isa sa pag-awit ng kanilang famous hits Be My Lady, Ikaw ang lahat Sa Akin, How Can I and You are My Song ni Martin, at hits ni Gary like Hang On, Reaching Out, Sana Maulit Muli. Sinuportahan ng friends at kapamilya nina Martin at Gary ang bonggang concert na pinangunahan nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, Ruffa Gu-tierrez, Donita Rose, Zsa Zsa Padilla with daughter Zia, Shaina Magdayao, Nik-ki Gil. Hinanap namin si Pops Fernandez, pero hindi nakadalo ang concert queen. Pero, may inihandang number sina Gary at Martin kung saan naka-duet nila si Pops on a giant silver screen. Parang naroon na rin si Pops. * * * ISINUGOD si Martin Nie-vera sa Makati Medical Center matapos ang matagum-pay na concert nila ni Gary nitong Sabado ng gabi. May ilang nagsabing nag-collapse ang concert king sa backstage ng venue dahil sa sobrang stress at pagod sa rehearsals. Last Sunday afternoon, kinumusta namin ang kalagayan ni Martin at napag-alaman naming he's out of danger. Nakauwi na ang concert king sa bahay niya at nagpapahinga. Source: Taliba |