Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Walang Iwanan' sa ABS-CBN

Author: Abante

Mapapanood ngayong gabi ang kuwento ng mga natatangi at pinakapinagkakapitaganan at tinitingalang business tycoons sa bansa sa documentary na “Walang Iwanan” sa ABS-CBN.

Alamin ang kanilang pinagmulan at ang mga hamon na kanilang pinagdaanan sa buhay bago nila marating ang kinatatayuan at kung paano nila ngayon tinatamasa ang pinaghirapang yaman upang paglingkuran ang sambayanang Pilipino.

Alamin ang mga kuwento ng mga tanyag na negosyante tulad nina Fernando Zobel De Ayala (Ayala Group of Companies), Henry Sy (SM Malls), Lucio Tan (Tan Group of Companies), Manny Pangilinan (PLDT), Lance Gokongwei (Cebu Pacific), Socorro Ramos (National Bookstore), Jose Concepcion Jr. (RFM), Ramon Del Rosario (PHINMA), at Oscar Lopez (Lopez Group of Companies).

Ang pangulo ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ang host ng dokumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs. Kasama rin sina Korina Sanchez, Karen Davila, Ces Drilon, Henry Omaga-Diaz, Julius Babao, Bernadette Sembrano, Pinky Webb, Alex Santos, Kim Atienza at Cheche Lazaro.
***

Umani ng positibong feedback at humakot ng malaking porsyento sa audience share ang Your Song Presents My Only Hope noong nakaraang Linggo sa ABS-CBN.

Sa pag-usad ng kuwento, may mga biglaang twist na magaganap, tulad ng pagkamatay ni Jessie (Nina Jose), ang pagiging bayolente ni Keeno (Gerald Anderson), na kung saan ay humantong sa pananakit niya kina Jhun (Enchong Dee) at April (Kim Chiu).

Abangan ang mga susunod pang rebelasyon sa Your Song Presents My Only Hope ngayong Linggo pagkatapos ng ASAP.

Para sa mga updates, mag-log on sa www.ABS-CBN.com at http://myonlyhope.multiply.com.

Source: Abante