Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Walang anak si Matt -- Melissa

Author: Vinia Vivar

Positibo si Melissa Ricks na hindi magagawa ni Matt Evans ang mga tsismis na naglalabasan tungkol sa kalokohan nito sa chicks.

"I don't think naman na ganu'n si Matt dahil responsableng teenager naman si Matt. I know," tila sure na sure na sabi ni Mel.

Natanong din ang young actress ng hypothetical question na 'what if, bigla na lang lumabas na totoo palang may anak si Matt sa ibang babae?'

"Ha? Ilang taon na ba si Matt? Bata pa si Matt, ha! Well, alam ko naman na priority ni Matt 'yung career niya. Binibigyan niya ng importansiya ang career niya at binibigyan din naman niya ako ng importansiya. Naks," say niya.

Halimbawa ngang totoo?

"Wala nga siyang anak," paniniguro niya ulit. "At saka, kung meron, eh, 'di cute siguro 'yung anak niya, kasi cute siya," natatawa niyang dagdag.

Nabanggit ni Matt na kung si Jake Cuenca ay nagpapadala ng food kay Mel, siya naman daw ay sinusubuan niya ang young actress. Totoo ba ito?

"Oo, sinusubuan niya ako ng fries. Minsan, pizza, cookies. Ganyan siya, eh," tila kinikilig na sabi ni Mel.

Anyway, wish lang ng fans ng dalawa na matuloy na sana sa isang magandang relasyon ang pagiging magka-loveteam nina Matt at Melissa.

Samantala, patuloy pa ring napapanood sina Matt at Mel every Sunday sa Your Song Presents Underage kasama sina Empress Schuck, Lauren Young, AJ Perez and Rafael Rosel.

Ngayong Lunes ay magsisimula na ang bago nilang serye sa hapon na Kambal Sa Uma kasama nila sina Shaina Magdayao at Jason Abalos.

Sa pagpapatuloy ng Underage this Sunday, aalis na sa boarding house si Sir David (Rafael) at hindi siya mapipigilan ni Cecilia.

Mami-meet na ni Celina (Melissa) ang mga parents ni Migs (Matt) pero mapapahiya siya dahil kay Anna Marie (Valleen Montenegro).

Kaabang-abang din ang eksenang mare-rape si Celina ni Dong (William Lorenzo).

* * *

Sobrang happy ni Valerie Concepcion ngayon dahil bukod sa finally ay nabili na niya ang kanyang dream house, may mga bagong negosyo pa siyang bubuksan.

Nakakuha siya ng franchise ng ineendorsong Posh Nail na pag-aari ni Kat Ilacad na nakatakdang magbukas sa bagong Venetian Mall sa The Fort.

Mayroon din siyang bubuksang water-refilling station at tulad ng Posh Nail, ine-endorse niya rin ang produkto kaya binigyan siya ng franchise.

Thankful si Val na kasama sa TF niya sa mga naturang endorsement ang pagbibigay sa kanya ng franchise. At least nga naman, panghabambuhay na itong income basta't marunong lang siyang magpatakbo.

Sa kasalukuyan ay inaayos na ni Val at ng mommy niya ang interior ng bagong bahay at nakatakda na itong magkaroon ng blessing sa May 9.

* * *

Simula bukas ay finale week na ng I Love Betty La Fea called The Bettyful Finale. Siyempre, malungkot ang mga fans and viewers na sumusubaybay sa programa dahil kung ilang buwan nga rin naman nila itong sinubaybayan gabi-gabi.

Pero kahit malungkot, may halong excitement pa rin ang fans dahil finally ay malalaman na nila ang ending ng love story nina Betty Pengson (Bea Alonzo) at Armando Solis (John Lloyd Cruz).

Abangan ang finale week dahil kung naudlot ang kasal nina Betty at Armando last week, ngayon ay wala nang makahahadlang sa kanilang pag-iisang dibdib.

Magsasalita na rin ang tunay na pumatay sa ina ni Armando na ginagampanan ni Lito Legaspi.

Sa pagtatapos ng ILBLF, ang buong cast at staff ay nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa serye, making it one of the top 10 programs in primetime slot nationwide.

After ILBLF, on April 27, ay panibagong kwento na naman ang ating susubaybayan, ang Only You, na Korean adaptation starring Angel Locsin, Sam Milby and Diether Ocampo.

Source: People's Tonight