Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Walang kumpetisyon between Ryan and me -- Raymond

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

SA unang episode ng I am KC kagabi, Binibining Palengke, nakita natin ang lighter side ni KC Concepcion - fun, wacky at kengkoy bilang Gracie, isang babaing laki sa hirap at taklesa, pero palaban at independent.

Isang light comedy, nakasama ni KC bilang ina sa episode ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai de las Alas (as Ramona).

Dahil sa hirap ng buhay, isinasali ni Romona ang anak sa mga beauty pageant. Dito nakilala ni Gracie si Jeremy (Jake Cuenca), isang sikat at guwapong artista.

Sa unang pagkikita pa lamang ay nabighani na agad ito sa magandang binibini, pero may sikreto pala itong itinatago.

Both KC and Ai-Ai have nice words for each other.

Sabi ng dalaga ni Mega Sharon Cuneta, hindi siya na-intimidate sa pagku-comedy ni Ai-Ai.

"Talagang trinay ko pong pagbutihan ang acting ko and very supportive siya sa akin. Hindi po ako na-intimidate at all dahil ang bait-bait po niya talaga at ang galing katrabaho.

"But siyempre po, pinanonood ko rin siya, 'yung mga galaw niya, inu-observe ko, kung paano siya magtrabaho. Ang ganda po ng napi-pick up ko sa kanya dahil mabuti po siyang kaagapay," papuri ni KC kay Ai-Ai.

* * *

SAMANTALA sa preskon naman ng Pinoy Idol ng GMA-7, na ang airing ay sa April 5 na after Pinoy Records, natanong si Jolina Magdangal kung bakit siya ang napili bilang isa sa tatlong judges at ang kanyang sagot, "Bakit naman hindi?"

Oo nga naman. Why not, coconut?

Si Raymond Gutierrez naman, tinanong ng yours truly kung sa palagay ba niya ay mahihigitan niya ang paghu-host noon ni Ryan Agoncillo sa Philippine Idol ng ABC-5?

"Ah, eto po 'yung first Pinoy Idol, ibang show po 'yon," nakangiti nitong pagtutuwid.

Oo nga, pero similar ang format, devah?

"Hindi ko po naman ita-try na mahigitan. I have no sense of competition with Ryan. For me, he is a very talented host, we hosted in an event together before at ibang-iba naman po 'yung personalities namin. Wala naman pong ganu'ng klase ng competition between me and Ryan," eksplika pa ng twin brother ni Richard Gutierrez.

Well. .. kung sabagay. Magkaiba nga ang personality nilang dalawa. Mas mestiso at mas matangkad si Raymond kesa kay Ryan, in fairness, tsuk!

* * *

DALAWA na ang kotse ni PDA scholar Ronnie Liang. Pero sabi ng simpatikong ASAP regular, hindi raw 'yun bigay ng kung sinong bading.

"Wala po akong gay benefactor. Sariling kayod ko po ang ipinambili ko sa dalawang kotse. Katas ng mga show ko out of town and abroad. Kailangan ko po kasing bumili ng mas malaking kotse para lahat ng gagamitin ko 'pag may show ako out of town, mailagay ko," paliwanag ng alaga ni George Roca, ang talent manager na naniniwalang importante ang publisidad sa career ng alaga niya.

Oo nga naman. Lalo na sa panahong ito na mabakante ka lang ng isang buwan, osla ka na agad, as in, la-onjame na.

In short, "laos cambodia," tsuk!

* * *

TEENAGE pregnancy ang episode ngayong Linggo sa Sharon ng ABS-CBN, kung saan ang mga guest ay mga batang ina sa showbiz, like Valerie Concepcion, Eda Nolan at Vanna Garcia.

No, hindi naman po ito prelude sa napipintong remake sa telebisyon ng Eva Fonda, 16, 'noh!

Ang tatlong nabanggit lang ang tinatawag ngayong Eva Fonda ng kasalukuyang panahon, dahil nga sa pagbubuntis nila nang wala sa panahon, tsuk!

So, sa female teenagers diyan, watch n'yo ang Sharon tonight sa Primetime Bida ng ABS-CBN para makapulot kayo ng aral, at malaman ang advantages at disadvantages ng teenage pregnancy, tsuk!

Mabuti na lang si Valerie at pinalad na may binalikang career sa showbiz. Some guys/gals really have all the luck. But not all, tsuk!

After Sharon, watch n'yo rin ang PBBTE Plus dahil nagiging interesting na ang buhay ng mga kabataang pinalad na makapasok sa Bahay ni Kuya.

Malalaman natin kung aaminin din ni housemate Alex from Milan, Italy, na hindi lang siya supot, kundi virgin pa.

'Yon lang.

Source: People's Tonight