Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Walang sinuman ang may karapatang manlait sa aking pagkatao -- Boy

Author: Vinia Vivar

Hindi nga pinalampas ni Boy Abunda ang pahayag ni Dra. Vicki Belo sa Showbiz Central last Sunday.

Noong Lunes ng gabi, naging very emotional ang TV host habang nagbibigay ng reaksyon sa sinabi ng celebrity doctor na "if you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. But if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo. "

Ayon kay Kuya Boy, noong una ay hindi siya naniniwalang masasabi ni Dra. Belo ang mga binitiwang linya dahil wala naman silang pinag-awayan.

Pero nang makumpirma niyang totoo ngang nanggaling mismo 'yon sa bibig ni Dra. Belo, inamin ng TV host na na-shock siya.

"Nabigla po ako dahil first of all, I didn't expect nu'ng sinabi nga niya na, 'If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. And if you want to look like Dingdong Dantes, go to Belo,' dahil kaibigan ko pong matalik si Dra. Vicki Belo for many years. We were good friends.

"Matagal na panahon kaming nagsama ni Vicki. And, Vicki, if you're watching, alam mo na kahit kailan, kahit kailan, hindi ako namuhunan sa gandang panlabas. Alam mong namuhunan ako ng lakas ng loob, sipag, tiyaga, dasal.

"At Vicki, wala akong ilusyong maganda ako, wala akong ilusyon. Pero wala rin sinumang may karapatang manlait sa aking pagkatao," mababa ang tono, pero mariing pahayag ni Kuya Boy.

Halata sa TV host ang matinding sama ng loob at first time naming nakita siyang ganito kaemosyonal.

Sa tinatagal-tagal niya sa showbiz, ito rin ang unang pagkakataong nakita namin siyang umiyak dahil sa isang issue.

Napaiyak si Kuya Boy sa bandang huli habang kinukuwento na tumawag pa ang nanay niya mula sa Samar at tinanong kung bakit siya ginawang katawa-tawa ni Dra. Belo.

For his final statement, the TV host said, "At mga kaibigan, hindi po tayo kinakailangang kasing ganda o kasing guwapo ni Dingdong Dantes para maging masaya at para maging mabuting tao. "

Samantala, balitang humingi na ng dispensa si Dra. Vicki kay Kuya Boy.

Ang kaso, sa isang kaibigan lang daw ng TV host ipinarating ang paghingi ng tawad at hindi direkta sa kanya.

Well, mas maganda siguro kung on-cam din humingi ng tawad si Dra. Belo dahil kahit saang anggulo namin tingnan, maling-mali ang kanyang ginawa at napaka-unbecoming para sa isang respetado at professional na doctor katulad niya.

* * *

'Kaaliw ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa batang si Zaijian Jaranilla, ang bida sa top-rating May Bukas Pa ng ABS-CBN.

One time raw kasi sa taping, kumain ito nang kumain. Siyempre, bata, walang pakialam, eat siya nang eat.

Hanggang sa maya-maya, sumasakit na ang tiyan. Naimpatso yata sa rami ng kinain and had to be rushed to a hospital.

Ang ending, na-pack-up ang taping dahil siya lahat ang kaeksena ng mga cast. Bale ba, out of town pa naman ang location.

In fairness sa bata, may talent siya sa pag-arte. Mukha rin siyang smart and let's face it, isa siya sa napakalaking factor kung bakit kasalukuyang umaani ng napakataas na ratings ang May Bukas Pa.

Anyway, this week ay pumasok na rin si John Estrada bilang si Olegario, isang takas na bilanggo. Abangan kung ano ang magiging koneksyon niya kay Santino.

Source: People's Tonight