Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

We don't expect anything from them -- Annabelle

Author: People's Tonight

MUKHANG malabo na ngang matupad ang kagustuhan ng mga naiwang talent ni Douglas Quijano na isang manager lang ang humawak sa grupo ngayong wala na ang tumatayong "ama" nila sa industriya.

Kung si Wendell Ramos ay napabalitang nakipag-usap na kay Perry Lansigan, talent manager nina Dingdong Dantes at Geoff Eigenmann, bago pa man i-cremate ang mga labi ni Tito Dougs, si Anjo Yllana naman, kinu-consider daw na magpaalaga sa TAPE, Inc. SVP at COO na si Malou Choa-Fagar.

Si Tita Malou ang humahawak sa showbiz careers nina Janno Gibbs, Julia Clarete, Jose Manalo, Wally Bayola, Rita Avila, Ian de Leon, atbp.

Ayon sa isang kasamahan sa panulat, mismong si Richard Gomez ang nagsabi na nabanggit ito ni Anjo nu'ng meeting nila, pero nilinaw ding wala pang formal talks na nagaganap sa pagitan ng komedyante at ni Tita Malou.

Si Jomari naman, mukhang tototohanin ang ipinangako sa yumaong manager sa huling gabi ng lamay nito na itutuloy ang "pag-aalaga" sa mas nakababatang "kapatid" nila, gaya nina Jay Aquitania, Tyrone Perez, atbp.

Isang nirerespetong miyembro naman ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) ang nakausap namin kahapon at naniniwala itong mahirap talagang mangyari ang gusto ng grupo nina Goma na hindi sila maghiwa-hiwalay.

Sooner or later daw, magkakanya-kanya rin ang mga ito.

Aminado ang PAMI member na walang sinumang makakatapat sa ginawa ni Tito Dougs, lalo pa nga't napakarami nitong naging alaga.

Kailangan daw na kasing lawak at lakas ng clout nito ang hahalili sa kanya bukod pa sa makakasundo ang pag-uugali ng bawat isa sa mga artista sa nasabing kuwadra.

* * *

NAG-REACT si Annabelle Rama sa mga naglabasang item kahapon na hindi kasama sa 100 Most Beautiful Stars ang mga anak niyang sina Ruffa at Richard Gutierrez.

Ang nasabing listahan ay mula sa Yes! mag, na ang editor-in-chief ay si Jo-Ann Maglipon, editor din ng Philippine Entertainment Portal (PEP), na sinampahan ni Richard ng P25-M libel suit kaugnay ng artikulo ng diumano'y banggaan nila ni Michael Flores sa birthday bash ng direktor na si Mark Reyes.

Sey ni Tita Annabelle sa text message na ipinadala sa press: "Wala akong pakialam sa award na galing sa isang local magazine na hindi naman credible.

"Importante panalo ng award c Richard for being #1 pa rin ang Zorro.

"Nagpapasalamat c chard sa taong bayan at mga supporter nya sa tv and movie, sa walang pagsawang pagtangkilik sa kanya.

"Mas importante sa akin ang rating ng show at box office receipts ng movie. C ruffa naman naka-display pa rin ang award nya sa ms. world second princess. Tnalo nya ang mga kasama nyang 83 contestants sa ibat ibang nation. plz pass.

"Di ba mas bongga ang mga award na natanggap ng magkapatid? Expected naman yun paano manalo ng awards ang mga anak ko, ang nagbigay ng award galing sa isang taong nakademanda dahil sa pagsusulat ng imbentong storya.

"We don't expect anything from them, specially fake awards. "

Narito naman ang paliwanag ni Jo-Ann nu'ng mismong araw ng launch sa Annabel's resto nu'ng Lunes ng tanghali: "Many of the stars that you saw in Edition 1 and Edition 2, including Ruffa, Gretchen Barretto and Kris Aquino, are not in this list now.

"It's just because of the categories that we chose and, like I said, the Yes! list is always going to be subjective as any list on beauty will be.

"Laging hinahanapan ng kulay ang lahat ng bagay. Pero, honestly, as an editor, I don't move from all this baggage. I try to work as cleanly and as honestly and uprightly as I can. "

* * *

ANG Star Records at ang Philippine National Red Cross (PNRC) ay magtutulungan para sa isang makabuluhang proyekto, kung saan magsasama-sama ang ilan sa magagaling na mang-aawit sa isang album, I Move, I Give, I Love.

Ginawa para sa 150th anniversary ng Red Cross, hangad ng I Move, I Give, I Love na maibahagi ang key principle ng nasabing organisasyon, ang tumulong ng walang halong diskriminasyon sa mga taong nangangailangan, sa pamamagitan ng mga track na inspiring at tiyak na pupukaw sa puso't isipan ng mga makikinig.

Una sa listahan ay ang theme song ng Red Cross na Bagong Umaga, na inawit nina Toni Gonzaga, Erik Santos at Yeng Constantino.

Ang iba pang awit na kasama sa album ay ang: A Hero Has Arrived (Nyoy Volante), Hawak Kamay (Yeng), I Believe I Can Fly (Erik), Power of the Dream (Toni Gonzaga), Kasama (Aiza Seguerra), Free (Roselle Nava with the Bukas Palad), Today (Raki Vega), It Can Only Get Better (Charice), Tara-tena (Kyla and Kaya with V3, Kaleidoscope World (Akafellas), Today I'll See the Sun (Karel Marquez) at What a Wonderful World (Charlie Green).

May dalawang bonus tracks din, ang Life Power at Always First, Always Ready, Always There.

Mabusising pinili ang mga magpa-participate sa proyekto.

"Choosing the artists who will be part of this project was a tedious task," ani Gwendolyn Pang, secretary general ng Philippine National Red Cross. "We really have to consider artists with great sense of compassion. "

Ang pagpayag ng mga ito ay para manghikayat ng mga taong tutulong kaya hindi nagpabayad.

Ang proceeds ng I Move, I Give, I Love ay mapupunta rin sa Red Cross.

Kahapon, opisyal nang ni-launch ang album kasabay ng kampanya ng PNRC na Our World, Your Move sa 9501 resto ng ABS-CBN.

Ito'y naglalayong magbigay ng tamang impormasyon tungkol sa pandemic na Influenza A (H1N1) virus.

Source: People's Tonight