Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

We needed space kaya kami naghiwalay ni Biboy -- Jackie Rice

We needed space kaya kami naghiwalay ni Biboy -- Jackie Rice

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

PURO papuri ang tinanggap at namutawi sa bibig ng mga nakapanood ng Sundo ng GMA Films at sa direksiyon ni Topel Lee na nagkaroon ng premiere night last March 17 sa Cinema 10 ng SM Mega Mall.

Kumbaga, kumpleto ang pelikula mula sa mahusay na acting ng lahat ng artistang kasama sa pelikula , ganda ng script , mahusay na direksiyon hanggang sa nakakamangha at makakatotohanan, nakakatakot at makapanindig-balahibong mga eksena na dala ng special effects.

Bukod kay Robin Padilla ay nakitaan ding husay sa pagganap sa Sundo sina Rhian Ramos, Iza Calzado, Mark Bautista, Hero Ange-les, Glydel Mercado na hi-nabi na ng panahon ang ga-ling sa pagganap, Mely Tagasa, Odette Khan, Estrella Kuenzler at Jacylyn Jose, pawang mga bete-ranang artista na hindi matatawaran ang galing at husay sa pag-arte, gayundin si Sunshine Dizon na lutang na lutang ang husay sa acting.

Kaya naman sa ganda at husay ng pagkakagawa ng Sundo ay puwede itong ihanay sa de-kalidad na pelikula na may temang suspense/thriller sa mga bansang Korea at maging sa Amerika.

Kaya maituturing ang Sundo na one of the best horror/suspense films of all time ng Pilipinas.

* * *

SA wakas ay nagsalita na rin ang GMAAC star na si Jackie Rice sa totoong dahilan ng kanilang break-up ng long time boyfriend nitong si Biboy Ramirez nang makausap namin ito sa Davao.

Tsika nga ni Jackie , ayaw na raw sana niyang magkomento pa kung ano ang na-ging dahilan ng kanilang hiwalayan ni Biboy, pero si Biboy na raw ang unang nagsalita.

"Ayoko na sanang magsalita pa o magpa-interview, kasi seven months na naman na kaming wala at saka wala naman akong masasabi kasing hindi maganda sa kanya.

"Mabait si Biboy, 'yun nga lang siguro totoo ang kasabihan na minsan dumarating sa relasyon 'yung hindi kayo nagkakaintindihan at nagkakatampuhan.

"Maraming time na rin na hindi kami nagkakau-nawaan o nagkakatampuhan ni Biboy, kaya sa rami nu'n, dumating na kami sa punto na siguro kailangan na na-ming maghiwalay.

"Minsan nga maliliit na bagay lang 'yung pinagtatalunan at pinagdidiskus-yunan namin, kaya naman naramdaman namin na we need space, kaya nag decide kami na maghiwalay na muna," mahabang paliwanag ni Jackie.

Sa tanong kung may ipinalit na ito kay Biboy, si-nabi ni Jackie na, "Wala pa, may mga nagpaparamdam, pero wala pa akong time na mag-entertain ng suitors, kasi mas gusto ko munang maging single at mag-concentrate sa career ko, lalo na ngayon at bini-bigyan na naman ako ng chance ng GMA-7. "

Aminado naman daw si Jackie na may non-showbiz at showbiz boys ang nagpaparamdam sa kanya pero hindi na lang daw nito pinapansin, dahil no time for love ang motto nito sa nga-yon.

Busy si Jackie sa kanyang unang pagsabak sa isang mature role sa teleseryeng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, kung saan ginagampanan nito ang role bilang young housewife na kapatid ni Dingdong Dantes, gayundin ang mall at out of town shows bilang image model ng Tawas.

* * *

Isa pang loveless ay ang magaling na host/actress, na guest star sa Sundo, at GMAAC prime star na si Iza Calzado.

Ayon ka`y Iza, happy daw siya kahit single.

Aminado naman ito na may non-showbiz guys ang umaaligid-aligid sa kanya, pero ayaw muna nito magkaroon ng commitment sa kahit na sinong lalaki.

Katwiran ni Iza ay hindi naman daw rason ang pagkakaroon ng boyfriend para maging masaya.

Trabaho daw ang focus nito sa ngayon kaya naman daw tsaka na lang ang buhay pag-ibig.

Very thankful din daw si Iza sa positive feedback sa kanyang hosting sa Bini-bining Pilipinas

"Nagpapasalamat ako sa positive feedbacks sa hosting ko ng mga taong nanood ng Binibining Pi-lipinas, feeling ko nga kulang pa at marami pa akong dapat pag-aralan para maging magaling na host," ani Iza.

* * *

ISA sa nakakapagpabilib sa amin when it comes to A1 Dancing Skills at talaga namang galing sa paghataw sa dance floor ay ang U Can Dance grand winner na si Arron Villaflor na miyembro ngayon ng Gigger Boys.

Bukod sa galing sa pagsayaw ay kinakitaan din ito ng husay sa pag-arte at isa dito ng maging ka-love triangle siya niya Kim Chiu at Gerald Anderson sa Sana Maulit Muli at magbida naman sa Pedro Penduko at mga Engkanto.

Source: Taliba