|
|
| Wedding ring nina Sharon at Gabby, suot ni KC...Author: Vinia Vivar Sa live interview ni KC Concepcion sa The Buzz last Sunday, napansin agad ni Boy Abunda ang suot-suot ng young actress na necklace na may ring pendant. Hindi agad ipinakita sa camera kaya akala namin, ito 'yung necklace na bigay sa kanya ng leading man niya sa For the First Time na si Richard Gutierrez. Pero nang tanungin siya ni Kuya Boy kung ano ba 'yung singsing na 'yon, it turned out na wedding ring pala ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. May kuwento si KC kung paano napunta sa kanya ang nasabing singsing. "Isang gabi, actually, morning na, biglang may pumasok sa kuwarto ko, natutulog ako at that time. And akala ko panaginip, parang may nagsasalita na ganyan-ganyan, kahit ano ang mangyari, itago mo 'yan, 'wag mong wawalain. And then, biglang narinig ko, sumara na ang pinto. "Pagkagising ko, akala ko talaga, panaginip lang, pagkagising ko, pagtingin ko sa kamay ko, nandu'n na 'yung ring. "When I looked inside, it's an important ring from the past, pero it's the reason why I'm here, and it reminds me na kahit paano na meant to be na nandito ako ngayon. Wedding ring siya ng mom and Papa ko, 1984," naiiyak na sabi ni KC. Pero naalala pa rin niya ang kanyang dad na si Sen. Kiko Pangilinan, kaya parang nagpasintabi siya rito na "Dad, I love you, penge rin ng wedding ring n'yo," she said. Sa panayam kay KC, kitang-kita kung paano niya nirerespeto at minamahal bilang ama ang kanyang stepfather, but at the same time, sinabi rin niyang she loves her Papa kahit lumaki siyang hindi ito nakasama simply because ito ang kanyang ama. Touching din 'yung sinabi niya about Sen. Kiko na napakalaki ng capacity nito na magmahal dahil hindi madali ang ginawa nitong pagpapakasal sa isang babaing may anak na tulad ng kanyang ina. Eleven years old daw siya nang time na 'yun and since then, ito na raw ang tumayong ama niya. Naitanong kay KC kung darating ba talaga ang kanyang Papa, mom and dad, sa premiere night ng For the First Time sa Aug. 26 at natawa ang young actress. "Nag-aabang kayo, 'no? Ako rin, nag-aabang. Well, sana. Pero kung hindi, siguro, may rason din kung bakit hindi nangyari. Siguro maganda, privately muna kami magkita-kita. Abangan na lang po natin," she said. Well, reading between the lines, we could guess what KC was trying to say. * * * Ewan kung nagkita ang mag-amang Gabby at KC sa studio dahil earlier, ang aktor ang ininterbyu sa said talk show. Sa kanyang panayam, nabanggit ng aktor na gusto niya sanang pumunta sa katatapos na anniversary concert ni Sharon sa Araneta Coliseum para mapanood ang kanyang mag-ina, pero minabuti niyang huwag tumuloy dahil baka magkaroon lang ng intriga. "Pero gustung-gusto ko sanang magpunta. Para 'yung suportang ibinigay ko sa kanya, hindi naman ako humihingi ng sukli, pero inaasa ko rin na sana, mapanood din nila ang aking concert. "Pero of course, panaginip lang 'yun. Pero ayoko namang magkaroon ng intriga kaya hindi na ako nagpunta," say ng Iisa Pa Lamang actor. Sa nasabing panayam, nagbigay din si Gabby ng mensahe para kay Shawie. "Dati kasi, nakarinig ako na wala raw closure. Eh, gusto ko naman sanang lagyan ng closure, matagal na. Wala akong gustong makasamaan ng loob kaya lahat, gusto kong gawan ng paraan. "Nu'ng nasa America ako, nag-usap kami, akala ko, okay na. Pero marami akong naririnig, kaya kung minsan, tine-text ko siya (noon), pero hindi pa rin kami nagkakausap nang harapan mula nang dumating ako. " Well, ano kaya ang masasabi ni Sharon tungkol dito? Anyway, this week ay dalawang magkasunod ang concerts ni Gabby. Sa Aug. 14 ay nasa Zirkoh, Timog siya with Toni Gonzaga, Valerie Concepcion, Joross Gamboa and the Baywalk Bodies. On the 15th and 16th naman, may two-night concert siya sa Music Museum. Busy din ang aktor sa promo ng self-titled debut album under Warner Music, and of course, ang teleserye niya with Claudine Barretto and Diether Ocampo na napapanood weeknights sa ABS-CBN 2. Source: People's Tonight |