|
|
| Wendell, may bago nang manager?Author: Ogie Diaz Itatanong pa namin 'to kay Wendell Ramos kung true na hindi pa naki-cremate si Tito Douglas Quijano, eh, meron na agad siyang bagong manager sa katauhan ni Perry Lansigan, 'yung manager ni Dingdong Dantes. True rin ba na parang "nagtampo" ang ibang alaga ni Tito Dougs sa mabilisang pagdedesisyong ito ni Wendell, na hindi man lamang daw kinukonsulta ang senior talents ni Tito Dougs? Kung natatandaan pa namin, three days bago i-cremate si Tito Dougs, nasambit pa sa amin ni Wendell na, "Ayoko munang isipin ngayon kung sino ang hahawak sa akin. Kasi, feeling ko, wala nang makakatulad si Dougs, eh. "Alam mo ba, 'Gie, kelan lang siya kumuha ng komisyon sa akin? Tapos, puro problema pa lagi ang itinatawag ko sa kanya?" Feeling namin, preliminary talks pa lang ang naganap between Perry and Wendell, baka hindi pa sila nagkakasarahan, pero sa Misa sa pa-siyam kumalat ang kuwentong nakakuha agad siya ng manager habang ang sinasabi ni Goma, hangga't maaari ay isa lang ang mag-handle sa kanilang lahat. * * * BLIND item: Tinawagan kami ng taga-Eastwest Bank para sabihing "dinededma" ng isang inactive actress ang kanilang tawag. Matatandaang naisulat namin dito na hina-hunting ng naturang bangko ang inactive actress, dahil sa outstanding balance nitong P627,000 since January 2009. Ni hindi raw nakikipag-coordinate sa kanila ang inactive actress. Pagtawag uli sa amin recently, "Sir, tinawagan namin. Hindi sinasagot. Nag-text siya, 'Hus dis?' So, sinabi po namin na taga-Eastwest kami at ipinaalala namin 'yung utang niya. " Sumagot ba? "Hindi na po. Dedma na!" * * * Maganda sana ang "tribute" na ginawa ng Showbiz Central para kay Marvin Agustin. Nandu'n ang mommy niya, nagsabi kung gaano kasipag na bata si Marvin. Nag-iisip kung paano ito kikita. 'Yung tita ni Marvin, nagsabing nag-iigib ng tubig si Marvin at itinutulak nito ng cart. 'Yung teacher ni Marvin nu'ng high school ay nagpatotoong pinilas ni Marvin ang isang pahina sa encyclopedia na hiniram sa library. Kaya nga ang title ay "missing page. " Panay ang thank you ni Marvin sa nanay niya, sa teacher niya, pero pa'no nga ba siyang naging Marvin Agustin? Isa lang ba siyang estudyante noon nu'ng pumasok siya sa GMA-7? Nag-iigib ba siya ng tubig nu'ng madiskober siya't dalhin sa GMA-7? Sana, napasalamatan din ni Marvin ang dating istasyong pinanggalingan niya kung saan siya nakilala. Maging ang taong nagdala sa kanya sa ABS-CBN. 'Yun ang "missing page" na sana nga, nakalimutan lang banggitin ni Marvin. * * * GREETINGS: Avid readers ng People's Tonight ang bumubuo ng Megacom Construction and Electrical Supply (along Commonwealth Ave. ) kung saan murang-mura ang mga materyales na binibili namin. Thank you sa mababait na magkakapatid na sina Tita Lita Domingo, Tita Shirley Uy Ganipan, Tita Ruby Uy Ganipan at sa kanilang assistant na si Mar Frugoso. .. 'Wag n'yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www. dwiz882. com, 11 a. m. -12 noon. Source: People's Tonight |