|
|
| Wendell, may trauma sa ABS-CBN?![]() Author: Rey Pumaloy USAP-USAPAN na ang paglipat ni Ara Mina sa ABS-CBN 2 mula sa GMA 7. Sabi nga, nakukulangan si Ara sa trabaho niya sa Siyete (Bubble Gang lang ang show niya sa GMA), kaya panay ang tanggap niya ng TV guesting sa Dos. Pero sa panayam namin kay Ara, sinabi niya na hindi siya lilipat sa Dos. Sabi-sabi naman na isa pang kasamahan ni Ara sa Bubble Gang ang lilipat din sa Dos at 'yun ay si Wendell Ramos. Pero, sa interview namin kay Wendell, nagsalita na siya nang patapos na hinding-hindi siya aalis sa Siyete. "Dito na lang ako sa GMA. Hindi naman ako nawawalan ng show rito. Eversince, mabait sa akin ang GMA, hindi nila ako pinababayaan. "Like, may bago na naman akong show ang "La Vendetta". So, hindi talaga pumapasok sa isip ko ang lumipat, dahil ang bait ng GMA sa akin," sabi ni Wendell. Habang katsika namin si Wendell, biglang umusbong ang kuwentuhan tungkol sa hindi magandang karanasan niya noon sa Dos. "Wala namang problema sa mga big boss, eh. Hindi mo naman sila makikita na madalas sa mga tapings. "Ang problema lang ay 'yung mga tao sa production. Iba silang makatingin. Iba ang treatment sa iyo. "Kapag nasa kabilang istasyon ka, iba ang tingin sa iyo. Pero kapag sila naman ang nasa network, welcome sila rito. "Hindi ko nga alam kung bakit ganun? Parang may pressure talaga. "Kaya sabi ko sa sarili ko, dito na lang ako sa GMA. At least dito, welcome lahat," sambit pa niya. Si Wendell nga ay maituturing na malapit na kaibigan ni Ara. Ano ang masasabi ni Wendell na inalok daw si Ara ng Siyete ng isang teleserye na kung saan ay nanay ni JC de Vera ang papel nito? Hindi nga raw matanggap ni Ara 'yon, dahil mas matanda pa si JC sa kapatid niyang si Cristine Reyes. "Nagulat ako nung malaman ko 'yon. Ang bata pa ni Ara para maging nanay (ni JC). Well, respetuhin na lang natin ang desisyon ni Ara. "Kung sa tingin niya ay hindi pa bagay sa kanya ang maging mother ng isang teen-ager, hindi nga niya dapat tanggapin. "Siyempre, mas maganda `yung gustung-gusto mo ang role na ginagampanan mo. "Bata pa naman si Ara, maganda, at sexy pa, kaya sigurado ako na marami pang role na darating sa kanya na magugustuhan talaga niya. "Mahusay na artista si Ara at hindi siya mawawalan ng offer," sabi ni Wendell. Source: Abante |