|
|
| Wendy umatras sa laban kay UmaColumn: Daily Insider OUT na talaga si Ai Ai delas Alas sa Lastikman. May nagbiro kay Ai Ai na mas marami pa siyang endorsements ngayon ke-sa TV show. Siya kasi ang kauna-unahang celebrity endorser ng Unilab's Neo-Kiddielets, ang tanging chewable children's fever medicine na may fruity flavors at may record na second largest units share sa children's analgesic market for almost a quarter of the market volume. With her other endorsements nga naman, sa commercial na lang siya na-papanood sa TV kesa sa shows lalo pa't hindi na rin siya pumuwede sa Lastikman dahil hindi nagtugma ang schedules ni- ya nang hiningan siya ng 10 straight taping days. Di bale, doon kontra-bida lang siya, sa show na para sa kanya talaga, ang Volta Da Series, ay siya ang bida. * * * Naloka-loka si Wendy na talagang pinatulan daw ni Uma ang isang babae kung kaya't nagsimula ang word war ng dala-wang PBB housemates, edition one and two. Sa presscon kasi ng PBB concert noon, nasabihan ni Uma na plastic si Wendy. Sumagot si Wendy na mas mahaba ang hair niya at sumagot ulit si Uma na mas flawless naman daw siya. Ayaw na lang pahabain pa ni Wendy ang banga-yan, at nasabi na lang ng dalaga na baka naman gustong maging beauty queen din ni Uma. Ang former Margarita nga naman ay isang dating beauty queen. Okey naman kay Wendy na mag-kasama sila sa isang project ni Uma dahil tapos na last Friday ang soap nila ni Bruce Quebral and Diether Ocampo. Okey lang kay Wendy para malaman daw ni Uma na mali ang pinagsasasabi nito. So, Ms. Philippines versus Ms. Israel ba ito? Chos! * * * Action-filled situation ang first season ender ng Boys Nxt Door mamaya after Coke Ride to Fame. Special guest star Mike Pekto Nacua as Ace holds up a convenience store kung saan nandoon sina Atom (Mart Escudero), Summer (Jennica Garcia), Decdec (Kiko Junio) and Milo (Jesi Corcuera) at sila ang ma-giging hostage nito. Nasa labas naman si-na Buboy (Marky Cielo) and Migs (Aljur Abrenica) and their uncle Badong (Benjie Paras) who decided to take control of the situation, kaso puputok ang baril. Si-no kina Atom, Summer, Decdec, Milo, Bu-boy, Migs, Badong and Ace ang mababaril? Big bang talagang magtatapos ang first season ng Boys Nxt Door 'no? Next week, sa 2nd season opener, doon ninyo malalaman ang mga kasagutan sa misteryong bumabalot sa kuwento. Source: Taliba |