Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Why Mark Anthony believes he's lucky

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Para sa mga observers, Mark Anthony Fernandez is on a roll. Tampok na naman siya sa isang malaking prime time show ng Kapuso network. Ngunit para sa kanya, ang suwerteng ito ay dala lamang ng pagkakataon.

Siyempre ang proyekto na tinutukoy natin ay ang "Darna" kung saan mapapanood sa pinakaunang pagkakataon ang tambalan nila ni Marian Rivera.

"Well, naniniwala naman ako na artista siya, artista din ako," tugon ni Mark Anthony Fernandez nang tanungin kung anong klaseng chemistry ang dapat abangan ng mga manonood sa kanila.

"At 'tsaka paniniwalaan ko ang mga direktor-sila Direk Dom (Zapata)-kung ano ang mga utos nila sa amin at papagawa sa amin. Ngayon, basta gagawin namin ng maayos 'yun, sana mag-click. Sigurado naman maganda ang lalabas," idinagdag ng guwapong aktor.

Matatandaan natin na isa siya sa mga kinagigiliwan nating mga "Gwapings" in the early '90s. Ngunit dahil sa mga pagsubok sa kanyang buhay, nawala rin siya ng ilang taon from the limelight. Pero sa kanyang pagbabalik, naging sunod-sunod din ang kanyang suwerte.

Simula nang pagbabalik-Kapuso niya sa Impostora, hindi na tumigil ang kanyang mga projects. And, nataon din na lahat ng kanyang mga naging projects ay mga consistent top-raters. Late last year and early this year, Mark was cast in two high-rating prime time shows, Luna Mystika and All About Eve.

Kaya tinanong din namin si Mark kung maipa-pares na ba siya sa mga bankable hot male Kapuso stars.

"Nagkataon [lang] na talagang ito ang oras na nababagay na kasali ako," ang mababang-loob na sagot ng aktor.

Pero hindi lang sa success ng kanyang career siya humble. Pati na rin sa kanyang kapalaran na makatambal ang pinaka-hot na Kapuso female star na si Marian Rivera, lalo na't very successful ang previous love team ng dalaga with Dingdong Dantes.

Pahayag ni Mark, who plays Eduardo, sa comparison: "Siyempre, may kaunting pressure. Alam ko big shoes to fill 'yun! Basta ako, iniisip ko lang na gagawin ko lang ang one hundred percent ko kung anong kaya kong dalhin as an actor."

Sino naman kaya ang inspiration ni Mark ngayon sa trabaho?

At ang nakaka-touch niyang sagot ay ang kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez na "...kung hindi man 'yung spirit niya, 'yung mga tinuro niya sa akin [ay] laging nasa pandinig ko."

Sa kanyang mga tagasubaybay, may imbitasyon si Mark, "Sana po suportahan ninyo yung bagong proyekto namin, 'yung Darna, malapit na pong lumipad. Hindi lang po pambata, pang-matanda, pang-buong pamilya, pang-lovers, [mga may] LQ, kahit ano po! Abangan niyo po 'yung Darna!" Erick Mataverde, iGMA

Source: GMANews