|
|
| Will Annabelle Rama interfere if son Richard falls in love with Cristine Reyes?Author: Fidel Jimenez Kahit tapos na ang kanilang trabaho sa movie na Patient X, sinabi ni Richard Gutierrez na hahanap pa rin sila ng paraan ng kanyang leading lady na si Cristine Reyes para magkita. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na si Cristine ang naging ka-date ni Richard sa birthday party ng kanyang ina na si Annabelle Rama nitong Martes ng gabi. Dahil showing na ngayon sa mga sinehan ang Patient X, marami ang nagtanong sa dalawa kung magkikita pa rin sila ngayong tapos na ang kanilang proyekto. "Ako po busy sa show ko, si Cristine busy rin pero we will try to find time para magkita," pahayag ng binata sa Chika Minute portion ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules. Naungkat din sa party ang nakitang marka ng lipstick na malapit sa labi ni Richard sa ginanap na premier night ng kanilang movie. "'Di, kasi kailangan daw may kiss mark, kailangan daw may red ka sa katawan that day para raw suwerte. Eh wala akong red, nagkataon na red yung lipstick ni Cristine, so siya yung naging lucky charm ko that night," paliwanag ni Richard. Kung tuluyan kayang mahulog ang loob nila Richard at Cristine sa isa't-isa, tumutol kaya si mommy Annabelle? "Hindi ako puwedeng makialam sa anak ko kasi matatanda na 'yan. Kung ano ang gusto nila, kung sino ang gusto nila, si Richard kung sino ang gusto n'ya tatanggapin ko," pahayag niya. Kita ang kasiyahan ni Annabelle sa ginawang party dahil bukod sa nandoon ang kanyang pamilya, dumating din ang kanyang mga alaga at mga kaibigan sa industriya. This page requires a higher version browser Source: GMANews |