Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Willie: 'Bawal nang uminit ang ulo!'

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

TALAGANG parang pi-yesta ang kapaligiran sa pagbabalik-Wowowee ni Willie Revillame nu'ng Lunes.

Hindi matigil-tigil ang hiyawan sa loob at labas ng studio, maging ang mga tao sa lahat ng sulok ng Dos ay nag-aabang sa mga kaganapan sa pagbabalik ni Willie.

After ng bonggang opening number kung saan kinanta ni Willie ang kanyang hit songs at ilang Christmas songs, sa kalagitnaan ng Wil-lie of Fortune ay nagpasalamat si Willie sa mga tumulong sa kanya sa halos da-lawang buwan niyang absence sa show.

Pinasalamatan ni Willie ang naging special co-hosts niyang sina Gabby Concepcion, Kim Atienza, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual. Willie also gave credit sa co-hosts na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, RR Enriquez at Pokwang na talaga na-mang nag-effort, napaka-efficient at malaki ang nai-tulong sa Wowowee habang wala siya.

Dagdag pa ng TV host, na-realize daw niya kung gaano katibay ang samahan ng buong staff ng show nu'ng wala siya at sama-sama nilang naitaguyod ang Wowowee.

Ikinuwento ni Willie ang kanyang mga ginawa nu'ng hindi siya visible sa telebis-yon at masayang ibinahagi ang naging shows nila sa Davao at Cagayan de Oro na dinagsa ng libu-libong tao para panoorin siya sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap niya.

Kaya raw lalong hindi bumitaw si Willie at nagkaroon ng determinasyon at dahilan na bumalik sa TV nang makitang marami ang nagmamahal sa kanya.

Excited ding ikinuwento ni Willie ang naging experiences niya habang nasa Amerika, kung saan nabigyan siya ng chance to interview one of the world's best composers and album-producer na si David Foster.

Si David ang composer sa naging hit songs nina Celine Dion, Peter Cetera, Kenny G, Brian McKnight, and our very own Charice.

Sobrang happy si Willie for the opportunity na maka-one-on-one ang isang international celebrity. At take note, magkasama pa sila ni David sa iisang hotel sa Beverly Hills. Mapapanood ang rare interview ni Willie with David sa Wowowee.

Nagbigay din ng komento si Willie na mula ngayon, bawal na raw uminit ang ulo at dapat ay laging masaya.

Ayon naman sa isang manonood, si Willie ang taong habang inuulan ng kontrobersiya, lalong sumi-sikat. Kaya siguro iritable ang mga detractor niya.

'Yun na!

* * *

Vocal si Ruffa Gutierrez sa paghanga niya sa galing ni John Lloyd Cruz sa pelikulang In My Life. Pinanood ni Ruffa ang pelikula kasama ang pamilya at mga kabi-gan, kesehodang nag-renta pa siya ng buong sinehan just to watch the movie.

Say ni Ruffa, pinaiyak siya ni Lloydie sa galing nito. Aniya, ginawa na raw niya ito noon nu'ng panoo-rin nila ang isang foreign film, so, bakit hindi niya gagawin uli? Oo nga naman at star pa ng pelikula si John Lloyd,' di ba?

Siyempre, natuwa si John Lloyd nang malaman ang ginawa ni Ruffita.

Sa panayam kay Lloydie bago magtungo sa Ame-rika para sa special screening doon ang In My Life, sinabi nitong nagpapasalamat daw siya at may mga kaibigan siyang gaya ni Ruffa na sumusuporta sa kanya at sa mga ginagawa niya.

Wala raw siyang nakikitang masama kung nagpa-special screening si Ruffa para sa kanya.

Sa totoo lang, until now ay wala pang tuldok sa isyu kina Lloydie at Ruffita.

Ano ba ang talagang namamagitan sa kanilang dalawa na bawat kilos at salita nila ay binibigyan ng kahulugan?

Kahit anong deny ng da-lawa na may special relationship sila at sila ay "just friends" lang, may ilan ta-lagang hindi kumbinsido.

Kasi, kahit anong deny ng dalawa, kitang-kita sa mga mata nina Ruffa at Lloydie na there is something, huh! "Something" na sila lang ang nakakaunawa.

May kislap, kumbaga.

Pansinin ninyo.

Source: Taliba