Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Willie Revillame 'di kursunada ni Valerie Concepcion

Willie Revillame 'di kursunada ni Valerie Concepcion

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

AMINADO si Valerie Concepcion na second choice nga lang siya bilang leading lady ni Vhong Navarro sa pelikulang Supah Papalicious. Pero, hindi raw si Toni Gonzaga ang pinalitan niya kungdi si Kris Aquino. Hindi raw kasi umubra ang sked ni Kris sa shooting na movie kaya hindi ito natuloy. At any rate, puro papuri lang ang natanggap ni Valerie mula sa cast and crew ng movie, dahil napaka-game daw niya at walang kaarte-arte sa katawan. Wala raw siyang pakialam kahit ma-deglamorized sa screen, nangingibabaw lagi ang kanyang professionalism.

Never daw inioper kay Valerie ng ABS-CBN ang Betty La Fea. Ang bagong programa niya sa Dos ay ang gag show na Banana Split kung saan kasama niya sina Kristine Hermosa, Anne Curtis at iba pa.

Tuwing Linggo raw ito ipapalabas kaya hindi sila katapat ng Bubble Gang ng pinanggalingang istasyon. Ayaw din daw niyang kalabanin ang Bubble Gang dahil institution na ito at dati rin siyang nagi-guest dito nang nasa GMA pa siya.
* * *
ANG type ni Valerie sa mga lalaki ay 'yung matangkad. Gusto raw niya 'yung at least 5'10 ang height pataas. No wonder, naa-attract siya sa basketball players. Although wala na raw sila ng na-titsismis sa kanyang basketball player.

Tamang-tama naman na 5'10 ang height ng leading man niya sa Supah Papalicious na si Vhong. Tapos aminado siya na naa-attract siya sa mga lalaking malalakas ang sense of humor. Pero, ang problema, hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Vhong kaya friends na lang sila . Hindi rin daw totoo na kursunada niya si Willie Revillame. At hindi rin naman nagpapahaging sa kanya si Papi. Aminado si Valerie na hindi niya type si Willie. Kasi nga mahilig siya sa matangkad at medyo bansot si Willie. Isa pa, bilang kuya lang daw ang turing niya sa TV host-comedian.
* * *
IBANG klase rin itong si Kitkat. Siya pa ang nagmalaki sa press na retoke lang ang kanyang boobs. And take note, dalawang beses pa pala nagpa-breastlift ang hitad. Noong una ay kay Dr. Manny Calayan, pero hindi siya nakuntento kaya nagpagawa ulit siya kay Dr. Belo, free of charge.

Proud niyang sinabi na hindi halatang fake ang kanyang boobs kasi kaya niyang pagalawin ito. At ipinakita pa niya sa namin ang pagpagalaw niya sa kanyang boobs, na pi-nangalanan niyang Mimi at Nini, sa pamamagitan ng mus-cle control. Impress nga kami.

Kahit nagpa-breastlift daw siya ay hindi pa rin nawala ang sensation sa kanyang nipples. Nakatutuwaan nga raw niyang hawak-hawakan ang kanyang nipples at tumatayo raw kaagad ang mga ito. Gustung-gusto nga raw la-masin ng kanyang BF na isang engineer ang kanyang boobs na healthy raw sa katawan ni-ya kasi nakakapag-circulate ang dugo sa kanyang breasts.

Isa si Kitkat sa mga komedyana na kasama sa pelikulang Supah Papalicious ni Vhong. Makikigulo rin sa movie sina Pokwang, Empoy at Mura.

Source: Taliba