Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Willie Revillame takes a leave from 'Wowowee'?

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

No show si Willie Revillame sa programa niyang Wowowee kahapon, September 3. Hindi rin sinipot ng controversial TV host ang taping ng nabanggit na programa right after the live show yesterday, kung saan karamihan sa mga naglaro sa "Wilyonaryo" portion ay mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang young actor na si John Lloyd Cruz ang pansamantalang humalili kay Willie, along with Pokwang at ang mga regular co-hosts ng Wowowee na sina Mariel Rodriguez and Valerie Concepcion.

Ngayong araw at hangggang bukas ay hindi pa rin niya sisiputin ang kanyang show. Sampung araw diumano ang hinihinging bakasyon ni Willie mula sa show sa isang hindi malamang dahilan.

(Napanood si Willie kanina sa Wowowee - ed)

Bukas ng gabi, September 5, ay nakatakdang lumipad si Willie patungong United States para sa show nito sa Las Vegas, Nevada, kasama sina Piolo Pascual, Sam Milby, at Pokwang.

Lahat ay naghahanap kay Willie at nagtatanong kung bakit hindi nito sinipot ang show niya. Ayon sa source ng PEP na konektado sa produksiyon ng Wowowee, nagpaalam naman daw si Willie sa management.

Pero ayon sa aming source ay ikinasama raw ng loob talaga ni Willie ang pagbibintang sa kanya na mandaraya. Paano nga naman daw kasi nito ihu-host ang isang programang kinukuwestiyon ang kredibilidad?

Every time daw na nakikipagtawaran si Willie sa nanalong contestant sa "Wilyonaryo" ay nandun parati ang pagdududa ng mga tao na baka may dalawang numero na namang nakatago sa iisang lalagyan.

Kaya bago raw bumalik si Willie sa programa ay hinihiling diumano nito sa management na linisin o palitan ang mga staff ng show na naging pabaya sa trabaho na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kontrobersiya noong August 20.

Kahapon sa presscon ng 1 vs. 100 ay nagbigay ng panibagong statement ang ABS-CBN through its PR head na si Bong Osorio. Ayon sa kanya ay nakahanda ang ABS-CBN, partikular ang mga nasa Wowowee, na harapin at sagutin ang anumang akusasyon na ibinabato laban sa programa ni Willie. - Philippine Entertainment Portal READER'S FEEDBACK: Good morning po ulit sa inyo,nabasa ko po itong kolum na ito.Tungkol sa leave ni WR,may sinabi sya dito bago sya umalis. Nagpaalam ata sa management? Na linisin o palitan ang lahat ng staff na naging pabaya sa trabaho kung kaya nagkaroon ng kontrobersya sa naturang game. Ang komento ko lang po dito ay,di po ba bago i-launch ang game na yun ay may orientation muna,pinapraktis muna kung pano paggamit ng mga mekanismo di po ba? Siya ang host at humihila sa hawakan ng numero,sino po ba ang naging pabaya sa oras na yun?Ang ibang staff po ba o sya mismo?Ito lang po at maraming salamat po ulit.MABUHAY ANG MGA KAPUSO!
>
P.S.
>
> Siya nga po pala di po ba mas mahirap gawin ang mga wheels at machine
> (pinball game) at dalawang numero,kesa sa paggawa ng isang numero
> lang.Salamat po ulit - September 5, 2007, 1:31 pm
>
Name: rene

Source: GMANews