|
|
| Willie 'di kailangan si Miriam Quiambao![]() Author: Joferd Nievera HINDI raw katotohanang naghahabol si Willie Revillame para maging co-host nito si Miriam Quiambao sa Wowowee. Kung tatanungin si Papi, satisfied na raw ito na mayroong Mariel Rodriquez, Valerie Concepcion at Pokwang plus RR Enriquez sa noontime show ng Kapamilya network. Nagulat nga raw mismo si Willie sa mga lumabas na hinahabol nito si Miriam para maging co-host. Pati 'yung binigay ni-yang Louis Vuitton bag ay nabigyan din daw ng isyu, samantalang hindi lang ang beauty queen/TV host ang niregaluhan niya ng nasabing mamahaling bag. Nadala na nga raw itong si Papi kay Precious Lara Quigaman kaya hangga't maaari ay ayaw na nitong magkaroon pa ng co-host na beauty queen kung sa bandang huli ay sakit ng ulo at hindi naman susunod sa pinagkakasunduan. Iginiit pa ng aming kausap na nasa Wowowee na never pumasok sa kukote umano ni Willie na kunin si Miriam sa kanyang noontime show. Although bagay ang Ms. World first runner-up sa show, mas pipiliin pa rin ni Papi ang mga aktres ng Dos. Tigilan na raw ang isyung ito dahil tila naga-gamit si Papi. * * * KUNG hate ni Krissa Mae si Polo Ravales dahil sa pangungutang sa kanya ng pera ay love na love naman niya ngayon si Marvin Agustin dahil totoong tao ang aktor at tunay ang ginagawang pagtulong sa Fil-Am actress. Kaya hindi si Jolina Magdangal, na kahihiwalay lang sa boyfriend, ang bagong target na ligawan ngayon ni Marvin kungdi si Krissa Mae. At ito rin ang inspiras-yon ng aktor sa napipinto niyang pagsali ng archery sa SEA Games sa Cambodia at international competition sa South Korea ngayong taon. Dahil kay Marvin din kaya na-overcome agad ni Krissa ang ginawang kabalbalan sa kanya ni Polo. Lalo na't niyaya pa ng aktor na sa kanilang bahay mag-Pasko at mag-Bagong Taon ang dating GoBingo girl na nag-enjoy nang todo dahil sa masasarap na handang pagkain nito. * * * HINDI namin alam kung bakit galit ang isang masugid na tagasubaybay ng Gagambino na si Jackie Sotelo ng Abra at kasalukuyang nakabase sa Hawaii, kina Katrina Halili at Yasmien Kurdi na parehong kasama ni Dennis Trillo sa fantaserye ng GMA7. Sa pinadalang e-mail ni Jackie, gusto raw nitong ipa-rating namin sa Kapuso network na ang dalawang na-sabing aktres daw ang nakakasira sa Gagambino. Aniya, "Baka puwedeng iparating mo sa GMA7 na sina Katrina at Yasmien ang sisira sa fantaserye ni Dennis dahil hindi nila carry ang kanilang papel bilang isa sa mga bida. " "Nakakawalang-gana silang panoorin," dagdag pa nito. Jackie, hindi kaya nagseselos ka lang kina Katrina at Yasmien lalo't parehong love interest ng idolo mong aktor ang dalawang aktres sa Gagambino? Katunayan, nang minsang manood kami ng show, ay okey naman ang kanilang ginagampanang papel. Gayunman, iginagalang namin ang iyong opinyon kaya isinulat namin dito sa aming kolum para makarating ito sa mga taga-Siyete. Source: Taliba |