Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Willie 'di pa kinukumpirma kung babalik sa Wowowee

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

HINDI na magtatagal at muling mapapanood si Wil-lie Revillame sa kanyang noontime show na Wowo-wee.

Dapat sana ay noon pang August 29 nakabalik sa show si Willie, pero na-pagkasunduan nila ng ABS-CBN na sa September 20 na muling lumabas, na aprubado naman sa Movie and Television Review Classification Board.

Kamakailan ay nagpadala na ng official statement sa media ang ABS-CBN.

May mga lumalabas na ring balita na may posibi-lidad na hindi na mapapanood sa Wowowee si Wil-lie.

Balak daw kasing pasukin nito ang pulitika sa 2010.

Marami na raw kasing kumakausap na politiko sa TV host at walang nakakaalam kung ano ang kanilang agenda.

May nasasabi namang kinukumbinsi daw si Willie na suportahan ang kanilang kandidatura o kung tatakbo man daw si Willie ay sa kanilang tiket ito sumama.

Pero questionable pa rin daw ang lahat dahil hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon na nagmumula mismo kay Willie.

* * *

NABASA namin kamakai-lan sa www. stir. phil ang item na kailan lang ay may naka-sight umano kina Manny Pacquiao at Ara Mina na magkasama sa isang hotel sa Malate.

Una nang natsismis ang dalawa nang may nakakita umano sa kanila sa isang private resort, na agad namang itinanggi ng dalawa.

Nagtataka ang taong nakakita sa kanila dahil wala naman daw silang pelikula na dapat i-promote o anumang project na ginagawa together.

Dahil sa artikulong lu-mabas sa naturang online news ay nag-deny na si Ara.

Hindi raw totoong nasa hotel sila ni Manny at naglalaro ng poker.

Ayon sa sexy-actress ay matagal na silang hindi nagkikita ni Manny, kahit pa pareho silang nasa bakuran ng GMA-7.

Ang malaking katanu-ngan tuloy sa amin ay bakit hindi mamatay-matay ang isyu kina Ara at Manny?

Ano ba talaga ang real score sa kanila?

Si Ara ba ang dahilan kung bakit ang misis ni Manny na si Jinkee ay panay na rin ang pa-beauty at pagpapa-sexy?

* * *

GRABE!!!

Naaliw kami sa launching movie ni Eugene "Uge" Domingo na Kimmy Dora, Kambal sa Kiyeme, na ang isa sa producer ay si Piolo Pascual.

Ipina-press screening nina Papa P at co-producers nito ang Kimmy Dora kamakailan sa Shangri-La Cineplex.

At kahit na sobrang lakas ng ulan ay talagang dinagsa ng entertainment press.

Napakahusay ni Uge sa kanyang role bilang kambal -- Kimmy (ismarte at matalino) at Dora (tatanga na ay boba pa).

Comedy at very light ang kuwento ng pelikula na idinerek ni Bb. Joyce Bernal, pero may mga mensaheng aantig sa inyong mga puso.

Humanga kami sa eksenang hinahanap si Kimmy kay Dora ng kanilang ama (played by Ariel Ureta) para tanungin tungkol sa kanilang business.

May nangyari kasi kay Kimmy na hindi puwedeng ipaalam ni Dora sa ama kaya nagpanggap siyang si Kimmy sa ama.

Ang galing ni Uge sa pagta-transform sa pagiging Dora then magiging Kimmy.

Napakalaki ng chance maging Best Actress si Uge sa Kimmy Dora.

At tiyak na maraming kakabuging artistang babae si Uge kapag ire-review na ng iba't ibang award giving bodies ang Kimmy Dora.

Showing na ang Kimmy Dora ngayon na ang leading man ay si Dingdong Dantes.

* * *

EVERYBODY knows na talagang napakahusay na artista ng Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos.

Ilang taon ding namahi-nga sa pelikula ang mahusay na aktres at ngayon ay nagbabalik-pelikula via In My Life under Star Cinema, kasama ang panganay na anak na si Luis Manzano at John Lloyd Cruz.

Ayon kay Ate Vi, kakaiba ang role na ginampanan niya bilang Shirley sa In My Life.

May usap-usapan na rin na ang susunod niyang project ay ang life story ni dating Presidente Corazon Aquino.

Siya kasi ang nagugustuhan ng pamilya Aquino na gumanap sa role ng kanilang ina.

Flattered daw siya dahil siya ang napipisil ng mga anak ni Tita Cory.

In case umano na gagawin niya ang proyekto kaila-ngan ay well-planned, pinag-aaralan at pinaghandaan itong mabuti.

Aminado din ang politician-actress na dahil full support siya ng kanyang constituents sa Batangas bilang gobernadora ay hindi naman daw talaga niya puwedeng iwan ang showbusiness.

Source: Taliba