Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Willie ipinamudmod ang natanggap na P2 milyon

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HINDI na talaga matatawaran ang ginagawang pagtulong ni Willie Revillame sa ating mga kababayan.

Kahapon sa kanyang Wowowee ay ikinuwento ng host na mayroon siyang natanggap na regalo -- isang napakalaking regalo -- na nasa loob ng ng isang paper bag at hindi sinabi kung sino ang nagpadala nito sa kanya.

Nang tingnan ni Willie ang laman ay mayroon itong tatlong brown envelope na naglalaman ng tig-P500 na umabot sa P2 milyon.

Minabuti ng host ng Wowowee na ipakita ito on national TV, sabay pasa-salamat sa taong nagbigay nito sa kanya.

Kaya inisa-isa ni Wille kung saan niya ipamumudmod ang naturang salapi.

Ang unang P500 thou ay ibinigay niya sa Bantay Bata Foundation ng ABS-CBN at another P500 thou sa 71 Dreams, ang foundation ng mga naulila sa malagim na stampede noon sa Ultra.

Binigyan din ni Willie ng P500 thousand ang OFWs na lubos na nangangailangan ng tulong para makabalik sa Pilipinas.

Pati ang kasisilang na conjoined twin ('yung dalawa ang ulo pero isa ang katawan na baby) na kasalukuyang nasa Phil. Heart Center ay binigyan din ni Willie ng P150,000.

At ang natitira ay iniwan niya para sa Wowowee.

Bongga, 'di ba?

Kaya naman inuulan ng blessings si Papa Wil ay dahil alam niyang i-share ang blessings na ito sa ating mga kababayan.

* * *

MAY inaayos na palang malaking project para sa nag-iisang Superstar Nora Aunor sa ABS-CBN.

Ito ang balitang nasagap namin kaya siguradong bubulagain na lang tayo ni Ate Guy sa kanyang pagbabalik sa bansa next year.

May isang soap daw na gagawain si Nora together with Ian, Lotlot ang Matet de Leon.

Ayon sa aming source na nakakaalam ng career plan ni Nora, next year ay daratung sa bansa si Nora dahil bukod sa naturang soap ay may concert producer din na kasalukuyang nakikipag-negotiate sa Superstar para sa isang malaking concert sa Araneta Coliseum.

Matagal nawala sa Pi-lipinas si Nora, kaya naman maraming fans niya ang nasasabik sa kanya na mag-concert sa bansa.

Next year din daw ay magko-concert si Nora kasama si Master Showman German Moreno.

* * *

HIT na hit ngayon sa FM stations, lalo na sa Love Radio, ang kantang Nagmahal Ako ng Bakla.

Puro neophyte singer-composer pala ang gumawa ng hit song na ito na mula pa sa Olongapo City.

Ang Ivory Music ang nag-record at nag-produce ng song at out na sa ngayon sa market ang first album ng grupong Dagtang Lason.

Mabiling-mabili ngayon ito, ayon sa isang record bar clerk na kausap namin.

Siyempre, karamihan ng bumibili ng album ay mga bading.

Bale ito na raw ngayon ang theme song ng mga miyembro ng third sex.

Ang first album ng Dagtang Lason, na binubuo nina Marbaggz, Kadena at Buhawi, ay may 13 original composition.

Hindi makapaniwala ang Ivory Music sa lakas ng hatak sa masa ng naturang kanta.

Kalalabas pa lang ng album pero balitang madali na itong maging gold.

* * *

MAGPAPAKITANG-GIALS nang husto si Jace Flores sa Pinoy Records portion na Extra Joss.

At makakalaban niya ang malalakas ding sina Arthur Solinas at Paolo Paraiso.

Hindi raw patatalo si Jace sa dalawa dahil sanay siya sa ganitong challenge sa Survivor Philippine Thailand noon.

Muling mapapanood ang tandem nina Manny Pacquioa at Chris Tiu sa Pinoy Records at kasama sa kakaibang challenge ang stars ng Adik Sa Yo na sina Pauleen Luna at Jennica Garcia.

Sundan ang mga pagpapakitang-gilas ng mga kababayan natin sa Pinoy Records this Saturday, pagkatapos ng Wish Ko Lang.

* * *

MAY live birthday blowout si Arf Arf sa Cool Center!

May babati rin sa kanya sa pangunguna nina Manny Pacquiao, Marian Rivera, Richard Gomez, at marami pang bigating personalidad!

Sa tawag ng pangangai-langan, ipapamigay ng nag-iisang Asia's Songbird Regine Vleasquez ang kanyang bonggang gown sa isang lucky caller.

Pabilisan ng tawag sa 981 1936 to 38 ngayong Sabado pagkatapos ng Imbestigador sa Cool Center!

* * *

Sa Joey's Quirky World, mapapanood ang lahat ng "kakaibang" tao, hayop, lugar, bagay, at kung anu-ano pa na matatagpuan sa ating planeta.

Dadalhin tayo sa New Zealand ang makita ang kakaibang paghuli ng isdang rainbow trout.

Sa Lake Titicaca naman, matatagpuan ang mga artificial islands na gawa sa reeds.

Sama na sa kakaibang "trip" nina Joey de Leon bilang si Inspektor Talas, at Ryan Yllana bilang Vicky Bola, kasama pa sina Cookie, Belly, at Boobay nga-yong Sabado bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.

* * *

LALONG nagiging paborito ng mga mahihilig sa horror ang show ni Oyo Sotto na Midnight DJ.

Sina Oyo Sotto, Desiree del Valle, Jenny Miller, at Joaqui Tupas pa rin ang regulars ng show, kung saan join na rin ang newcomers na sina Meg Imperial at Sam Pinto, with different guests every Saturday.

Sa next episode nito "Gayuma ng Pangit," guest si Andrew E bilang ang taga-lagay ng love spell sa mga babae na pumapangit once they fall for the spell.

Kasama rin ni Andrew E. bilang guests sina Don Umali and Sexbomb dancer Aira Bermudez.

Panoorin ang paglutas ng mga misteryo sa adventure ng buong team sa comedy-horror na Midnight DJ, tuwing Sabado, 8 pm sa TV5.

Source: Taliba