|
|
| Willie, isinasabong ni Kris kay Herbert!![]() Author: Abante TAHASANG sinabi ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista na serbisyo, programa, at kapabalidad ang siyang magiging batayan ng mga botante ngayong darating na 2010 national elections, bilang reaksyon sa umano ay panghihikayat ng TV host at aktres na si Kris Aquino sa controversial na noontime host na si Willie Revillame na tumakbo bilang mayor ng Quezon City. “Welcome naman ang statement ni Kris at welcome rin namang tumakbo si Willie sa posisyon na gugustuhin niya dahil naniniwala tayo na karapatan ng sino man ang tumakbo at magnais na maglingkod sa bayan at maging dito sa Quezon City,” ayon kay Bistek. Gayunpaman, naniniwala si Bistek na hindi simpleng botohan sa pagiging popular ang magiging labanan sa darating na eleksyon. Sabi pa ni Bistek, hindi popularidad ang magiging sukatan para maipanalo ang isang kandidato, lalo pa ngayon na higit na matalino ang mga botante ng Quezon City. Anyway, kamakailan lang ay sinabi ni Kris sa kanyang programang SNN na kung lalahok din naman sa pulitika si Revillame, mas maigi umanong tumakbo na lang itong mayor ng Quezon City. Reaksyon umano `yon ni Kris nang napaulat na inaawitan diumano si Revillame ni Senator Manny Villar na maging running-mate nito sa darating na halalan, na madali namang pinabulaanan ng mga opisyal ng Nacionalista Party, at pati na mismo ni Sen. Villar. (LILY REYES) Ayon sa Department of Health, halos 200 buhay na ang kinikitil ng sakit na dengue ngayong taon. Muntikan nang madagdag sa bilang na ito ang isang apat na buwang sanggol at ang nakatatandang kapatid nito. Diringgin ni Ces Drilon ang hinagpis ng ina nilang nasaksihan ang kanilang paghihirap at pag-aagaw buhay ngayong Huwebes (Sept. 24) sa I Survived. Sabi sa pinakabagong datos mula sa DOH, 16,317 kaso ng dengue ang natanggap sa iba't ibang pampublikong ospital pa lamang. Ang mga pasyente ay umaabot hanggang 96 taon, pero mas maraming namamatay sa mga may edad sampu pababa hanggang 40 taon. Samahan si Ces Drilon sa pag-alala sa naging laban ng mag-iina sa dengue ngayong gabi. Source: Abante |