|
|
| Willie, lugi sa segunda-manong yateAuthor: Ogie Diaz UMALIS si Willie Revillame patungong New Jersey para sa show na tinanguan niya with Mariel Rodriguez, Pokwang at Valerie Concepcion, kaya ewan kung makararating ito sa kanya. Meron kaming common friend na nagsabi sa aming balak talagang bilhin ni Willie ang isang abandonadong building along Timog Avenue. Bumigay na raw ang may-ari sa tawad ni Willie na P70M mula sa P85M. "Pero ang totoo, tinatawaran niya 'yon ng P50M, pero nagkatapos sa P70M. Ang kaso, na-realize ni Willie na gagastusan niya 'yon ng P200 million kung gusto niyang magpatayo ng hotel sa lote na 'yon. "Nalakihan siya, kaya ipinahinga na niya ang idea niyang bilhin 'yon. Ewan ko lang kung magbago ang isip niya. Meron daw siyang cash na P70M, 'di ba?" Totoo rin 'yung sinabi ni Willie na may pag-aari siyang second-hand na yate na nakahimpil sa Batangas. Ito'y worth P8 million plus. "Dalawang beses pa lang niyang nagagamit 'yon, sira na agad. Ipinagawa niya, gumastos siya ng P3 million. Ayun, awa ng Diyos, hindi pa rin siya magamit, kaya baka ipagbili na lang niya. Lugi na siya roon. " Totoo rin daw na binigyan ni Willie ng sasakyan ang financial auditor nito na nagngangalang Tess. "Pero hindi totoong binigyan niya 'yon ng Honda CRV. Ang ibinigay niya roon, Honda City lang. " Sa friends, totoo, mabait si Willie. Lalo na raw du'n sa mga taong alam niyang nakasama niya sa hirap at ginhawa. "Pero mas bibilib ako 'kamo sa kanya kung pagiginhawain niya 'yung buhay ng nanay niya!" May gano'ng factor? Well, tungkol sa pamilya, hindi natin alam kung ano ang samahan ni Willie at ng nanay niya, dahil ang alam namin ay hindi naman ito pinababayaan ng TV host. Pero naniniwala kaming kaibigan ni Willie ang aming kausap. Honest nga lang sa amin. * * * Nakakatuwa naman itong si Beauty Gonzales, ang tuwang-tuwa na napasama siya sa cast ng Iisa Pa Lamang nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Gabby Concepcion na magsisimula na sa July 14. Malapit na kasing mag-debut si Beauty at ang gusto raw niya ay parang swimming party kung saan ang gusto niyang mangyari, lahat ay naka-swimwear at partikular pa niyang binanggit na dapat, lahat ng lalaki, naka-trunks. Marami kayang um-attend na guys? 'Di kaya puro bading ang um-attend? * * * Si Martin del Rosario naman, pinrangka ng mga bading sa table na inuupuan sa presscon ng Iisa Pa Lamang. Naku-conscious ba siya 'pag pinagtitinginan ang kanyang "maumbok" na harapan? "Hindi po. Eh, wala po akong magagawa. Ganyan talaga 'yan, eh. Hindi po ako nako-conscious kasi, 'yung iba nga, walang ganito, eh!" May ganu'n? Source: People's Tonight |