Dec 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Willie may bagong babae

May lovelife ba si Willie Revillame ngayon? Ito ang pinag-uusapan sa halos lahat ng umpukan dahil na rin ipinakita sa isang news program na may ka-date si Papi sa isang affair ng Star Magic na ginanap sa isang hotel kamakailan Kung ating mapapansin, ...

 

Willie may bagong babae

Column: Eksenadora
Author: Chan-Chan Torres

May lovelife ba si Willie Revillame ngayon?

Ito ang pinag-uusapan sa halos lahat ng umpukan dahil na rin ipinakita sa isang news program na may ka-date si Papi sa isang affair ng Star Magic na ginanap sa isang hotel kamakailan

Kung ating mapapansin, matapos ang kontrobersyal niyang relasyon at ang hiwalayan blues nila ni Liz Almoro, ngayon lamang ulit nakipag-date si Willie at ipinakita na niya ito sa publiko.

In short, mukhang handa na ulit si Papi na ipa-alam na hindi siya habang buhay magiging single.

Sa totoo, lang, sa klase ng pamumuhay na meron si Willie, he deserves to have someone na mamahalin at aalagaan siya.

Nakatutuwa ngang pagmasdan si Papi, tipong it's never to late pa pala para makakita ng taong magpapasaya muli sa kanya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya lalo na sa pakikipagrelasyon.

Mukhang modelo ang girl na ka-date ni Willie sa event na 'yun.

Komento pa ng isang kaibigan sa panulat. Magkahalong Angelu de Leon at Princess Punzalan daw ang kumbinasyon ng features ng babaing ka-date ni Papi.

Kung ganoon, mukhang ito nga ang mga tipo ni Willie. 'yung mga demure at conservative type na girl na pambahay talaga. 'Yung wife material ang ibig naming sabihin, pero may class. Ganoon po 'yun.

Anyway, mabuti naman daw ang pakiramdam ni Papi ngayon.

Ayon pa sa isang ma-lapit sa TV host, executive check up ang isinagawa kay Papi at doon din napag-alaman ang mga problema nito sa bituka. Marahil dala ng sobrang stress at hindi pagkain ng tama sa oras.

Mabuti na lang at ka-ya pa itong maagapan ng gamot at walang operas-yon na kailangang gawin.

Isang dapat ingatan ni Willie ay ang kanyang puso. As in, ang kanyang heart condition dahilan napag-alaman ding may bara ang isang artery nito. Pero kaya pa ring agapan ng gamot at hindi kailangan ng surgery. Tamang pangangalaga lang sa sarili ang ibinilin ng mga dok-tor sa TV host.

Sa TFC subscribers sa New Jersey, nariyan ang Wowowee sa Boardwalk Hall Atlantic City sa July 12 (special day po ito sa amin), watch po kayo, ha!

* * *

Dahil may kaluwagan na rin ang iskedyul ngayon ni Toni Gonzaga, nalaman naming mas may oras na raw ang TV host/ aktres para sa kanyang pamilya.

Kuwento pa ng isang malapit kay Toni, na walang iba kundi si Wendell Alvarez, mas may oras na raw ngayon si Toni para makipag-bonding with her parents lalo na kay Mommy Pinty.

Dati raw kasi ay halos hindi na sila nagkikitang mag-ina sa rami ng ginagawa ni Toni.

Pero, ang lahat ng ka-raketan at oportunidad ay ipinagpapasalamat umano ni Toni. Na-miss lang daw talaga ng TV host ang time spent with her family.

May ilan ding nagtatanong kung magpapaka-sal na si Toni kay Direk Paul Soriano.

Sa panayam kay Toni kamakailan, going strong ang relasyon nila ni Direk Paul, pero wala pa rin daw silang balak magpakasal. Nasa stage pa sila na ini-enjoy nila ang company ng bawat isa at kinikilala ang isa't isa.

Oo nga naman. Madaliin ba!

* * *

Nilinaw ni OMB Chairman Edu Manzano na ba-gama't tinutulungan nila ang Motion Pictures Film Piracy Council sa paraang alam nila gaya ng pagti-train sa mga tauhan at iba pa, sinabi ni Chairman Edu na hindi na nila sakop ang MPFPC.

Nakaalis na si Chairman Edu papuntang Amerika at bago ito nag-fly, di-nalaw muna namin siya sa taping ng PGKNB? Doon ay tinanong na-min siya tungkol sa nabanggit ni Atty. Joji Alon-so nu'ng workshop /seminar ng MPFPC, na nais sa-na nilang makipagtulu-ngan kay Chairman Edu upang sugpuin ang flicker piracy.

Eh, kaso hindi naman pala sakop ito ng batas na maki-join pa sa kanila ang OMB. Tumutulong naman daw ang board sa paraang alam nila.

Anyway, work and da-law na rin sa mga kapatid ang purpose ni Chairman Edu sa U. S. Ipagagamot rin daw niya ang sumasakit na likod dahil sa slip disk. Babalik si Chairman Edu sa bansa on July 14.

Source: Taliba