|
|
| Willie nag-file ng indefinite leaveAuthor: Beth Gelena HINDI suspendido ang Wowowee host na si Willie Revillame bagkus nag-file ito ng indefinite leave nu'n pang Sabado, Agosto 8. Wala ding news blackout ang ABS-CBN hinggil sa isyung kinasasangkutan ngayon ng TV host - ang pagpapatanggal diumano nito ng coverage sa paglilipat ng mga labi ni dating Presidente Cory Aquino sa Manila Cathedral. Aware si Willie sa naging reaksiyon ng mga tao dahil may mga text brigade na naglalabasan hinggil sa kaniyang sinabi na hindi nagustuhan ng mga manonood. Humingi na ng apology si Willie sa pamilya Aquino. Ang mga lady co-host na sina Mariel Rodriguez, Pokwang, Valerie Concepcion at RR Enriquez ang siya ngayong nagtutulung-tulong para masaya ang mga manonood lalung-lalo na ang TFC na nasa loob ng studio. Sa interview ni Mario Dumaual sa TV Patrol kay Mariel kung bakit wala si Willie sa noontime show mula pa nu'ng Sabado, sinabi ng dalaga na nag-text ang TV host at nagpapahinga. "Yes po, naka-leave siya (Willie)... indefinitely. " Ayon din sa head ng ABS-CBN's Corporate Communications na si Bong Osorio, sinabi nitong nag-text sa kaniya si Willie at sinabing indefinite leave ang TV host mula pa nu'ng Sabado. Hinikayat naman ng Movie and TV Review and Classification Board (MTRCB) ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na aksyunan ang naturang insidente. Ang nakasaad sa sulat ng MTRCB sa KBP president na si Herman Basbano ay "We call on the KBP to act with dispatch, with the end in view that no person shall be allowed to use the broadcast medium in desecrating the dead. " Natanggap na ng ABS-CBN ang notice ng MTRCB at KBP at binibigyan sila ng limang araw para sagutin ang notice. Ayon kay MTRCB chairwoman Consoliza Laguardia at KBP Vice Chairman Jun Nicdao, magiging patas ang proseso ng pagdinig sa isyu. Samantala, sa interview ng TV Patrol kay Senador Noynoy Aquino, sinabi nitong hindi big deal ang isyu sa kanila. "I'll take what he said at face value at wala siyang insultong nais iparating sa aming pamilya. " Maging si Kris ay nagsabing tinatanggap nila ang apology ni Willie. "For our family, we take Willie's apology for what it is -- an apology and we accept the apology. Wala po sa kamay namin kung ano ang mangyayari in the future, pero I can speak on behalf of my sisters and my brother, we accept his apology," ani Kris. Beth Gelena Source: People's Tonight |