|
|
| Willie sa Hawaii hahanap ng bagong inspirasyonAuthor: Chan-Chan Torres Aktibo na palang muli si Hero Angeles matapos ang mga negatibong publisidad noon sa kanya. Sa GMA-7,nabigyan mu-li ng pagkakataon si Hero at sa Dyesebel siya mapapapanood. Lately lang ay usap-usapang hindi pa rin daw nagbabago itong si Hero. Tulad pa rin umano siya ng dati na an-tipatiko ang dating at hindi nakikisama sa mga artistang katrabaho niya. Well, hindi na kami na-gulat. You can't change a person anymore kung ganoon na talaga siya. May mga tao talagang ganoon sa mundo. It's just so ironic na pag-aartista ang pinasok niyang larangan na ang nature ay pakikisalamuha sa kapwa. Sana ay magtuluy-tuloy na ang pagbabalik nitong si Hero. Big break na ang Dyesebel sa kanya kaya dapat ay huwag niya itong sayangin. Kung noon ay marami kaming nababalitaang iniri-reklamo ng mga kasamahan niya ang pagiging antipatiko at mahirap pakisamahan ng binata, sana naman ay naka-pag-adjust na si Hero. Sana ay natuto na siyang makisama. Tutal, showbiz ang pinasok niya, pangata-wana na niya ito. Masuwerte nga siya at tinutulungan siya ni Kuya Germs sa Siyete kaya siya na-punta sa Dyesebel na isang napakalaking proyekto ng Kapuso. Kumbaga, hindi tuluyang nagtampo ang grasya sa kanya. * * * By now ay nakaalis na sina Willie Revillame at ang entourage niya sa Wowowee papuntang Hawaii. May show ang grupo ro-on, sa Aloha Stadium, this coming May 10, kasama rin siyempre ang co-hosts ni-yang sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion. Guests sa show na ito sa Hawaii sina Lito Camo at Charice, kaya siguradong kantahan at biritan na naman ang magaganap. Matatandaang special request lagi si Papi sa Hawaii at naging panauhin pa nga ang butihing gobernador ng bansang ito noon sa Wowowee. Maging ang TFC guests ng programa ay hindi nawawalan ng mga taga-Hawaii. Patunay lang na malakas ang hatak ni Willie at ng Wowowee sa isa sa mga estado ng Amerika. Muling paghahandaan nina Papi ang pagsabak nila sa Wo-wowee sa Lingayen. Ito ay ka-sama naman sa caravan dito sa bansa ng noontime show. Bongga ang upcoming Pangasinan show na ito ng Wowowee. Beach front daw ito kaya tinatayang mara-ming fans at local tourists ang pupunta rito. By the way, may makilala kayang Chick si Papi sa Hawaii na muling magpapatibok ng kanyang puso? Source: Taliba |