|
|
| Women once linked to Bong show up at his b-day partyAuthor: GMANews.TV Naging masaya ang selebrasyon ng kaarawan ni Sen. Ramon "Bong Revilla Jr nang dumalo ang mga babaeng naugnay sa kanya noon tulad nina Gretchen Barretto at Rufa Mae Quinto. Sa ulat ng Chika Minute nitong Huwebes, sinabing naging sentro ng atensyon ang pagdating ni Greta kasama ang kaibigan nitong Ruffa Gutierrez sa birthday party na ginawa sa Greenhills, San Juan. Napag-alam na mismong ang may-bahay ni Bong na si Lani Mercado ang nag-imbita kina Gretchen at Rufa Mae na kapwa naugnay noong sa senador. Umakyat sina Greta, Rufa Mae at Ruffa sa stage kasama ang mag-asawang Bong at Lani upang batiin ang senador. Ang batian na iyon ay naging tampulan ng katuwaan at tawanan. "To Lani and Bong, I hope you'll be happy forever," pagbati ni Greta na sinundan naman ni Rufa Mae. Ano naman kaya ang masasabi ni Bong at nagkasama-sama ang mga babaeng naugnay sa kanya noon? "Finally natapos na rin yung mga problema na yun. Nagkaharap-harap sila ngayon...Masarap ang pakiramdam, maluwag at least were all together here in one party," ayon kay Bong na napapanood sa GMA program na "Kap's Amazing Stories." Big showbiz event ang party ni Bong sa dami ng mga artistang dumalo. Bukod sa mga kabarkada niya na sina Sen. Jinggoy Estrada, Philip Salvador at Tirso Cruz III, nandoon din si Lorna Tolentino, na mistulang humalili sa pumanaw niyang kabiyak na si Rudy Fernandez. Dumating din sina Aga Muhlach, Ogie Alcasid, Paul Alvarez at Almira Muhlach, Eddie Gutierrez at Annabel Rama, William Martinez at Michelle Madrigal. Hindi rin nawala ang mga kasamahan ni Bong sa pulitika na sina Senate President Manny Villar, Sens. Juan Miguel Zubiri at Kiko Pangilinan. Nakisaya rin ang mga Kapuso ni Bong sa GMA Network sa pangunguna ni Senior Vice President Entertainment TV Wilma Galvante. "Hindi ko ini-expect na ganito karami ang dumating na bisita. Natutuwa ako na ganito pala karami ang nagmamahal sa akin sa industriya," ayon kay Bong. - GMANews.TV Source: GMANews |