Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

"Wonder Mom" features inmates-turned-designers, Nov. 15, Saturday

"Wonder Mom" features inmates-turned-designers, Nov. 15, Saturday

Author: Gidget Alikpala
Column: TV Current Affairs

Ngayong Sabado sa Wonder Mom....

BAGSAK PRESYO

Bago pa nauso ang ukay-ukay sa damit, nag-uukay-ukay na ng mga lumang gamit si Aling Puring sa Tondo, Manila. Ang basura ng iba, pinagkakakitaan pa niya!

Taong 1973 nang simulan niya ang kanyang negosyo sa puhunang P500 lang. At dahil dito napagtapos niya ang kanyang tatlong anak. Makibusisi tayo sa mga second-hand na gamit at damit sa tindahan ni Aling Puring.

ADHD

Malikot at magulo ba ang inyong anak? Hindi ba siya mapirmi at hindi makapag-concentrate sa pag-aaral?
Baka senyales na yan ng ADHD o Attention-Deficit Hyperactivity Disorder. Alamin kung paano sila matutulungan.

ANO ANG USO?

Kilalanin ang mga preso sa maximum security na nagdidisenyo ng mga gowns na inirampa sa isang fashion show kamakailan.
Sa tulong ng isa sa pinakabatang fashion designer na si Puey Quiñones, na gumagawa din ng mga gowns ng mga celebrities, ang mga preso ay nagkaroon ng bagong pangkabuhayan at pinagkakaabalahan.

DOES SIZE MATTER?

Kilalanin ang dalawang may-bahay na may magkaibang pananaw tungkol sa kaseksihan. Isang mommy na kahit may kalakihan, nag-uumapaw naman ang confidence sa sarili.

Samantalang ang isang mommy naman na aming nakilala'y kinailangan pang magpa-liposuction dahil ito ang nakikita niyang paraan para maibalik ang kanyang self-esteem.

CELEBRITY MOM: Amy Perez

Tuwing oras ng kainan, sinisigurado ni Amy Perez na kumpleto ang kanyang pamilya sa hapag-kainan.
At sinisigurado niyang nakakapaghanda siya ng masarap na ulam na may mainit na sabaw para ganahan ang kanyang mag-ama.
Silipin natin ang kusina ni Amy at ituturo niya sa atin kung paano maghanda ng masarap na ulam na hindi kailangang maging mahal.

Abangan ang lahat nang ito sa "Wonder Mom", Sabado, 9:45 ng umaga.

Source: ABS-CBN News