|
|
| Word warAuthor: Nitz Miralles HINDI kami magugulat kung magkakaroon ng word war sina Robin Padilla at Rico Puno dahil sa message ng una sa huli matapos batiin ng happy birthday si Regine Velasquez sa birthday presentation nito sa SOP kahapon. Hindi nagustuhan ni Robin ang sinabi ni Rico after niyang bumati kay Regine. Pinalabas kunwari ni Rico na nagselos si Ogie Alcasid at humirit ito ng "'Wag kang mag-alala, mahaba 'yung sa 'yo. Nakita ko," na punung-puno ng double meaning. Obvious na hindi 'yun nagustuhan ni Robin, kaya nang ibalik sa kanya ang camera, may message ito kay Rico. Ani Robin: "Payo ko kay Rico J. Puno, mag-Revicon para fresh 'yung utak mo at 'di ka nag-uulyanin... 'di 'yung kung anu-ano naiisip. Maraming batang nanonood. " Mabuti na lang at nasa Stadia sa Dagupan si Robin at sa studio ng GMA naman si Rico. Paano kung nasa parehong stage sila? May bago na namang isyu sa showbiz! Nasa SOP din si Robin para mag-promote ng Joaquin Bordado. * * * NAPANOOD na namin ang teaser ng Urduja at napakinggan pa ang theme song nitong Babae na composition ni Ogie at kinanta ni Regine, siya ring nag-boses sa character ni Urduja. Maganda ang song at mas lalong gumaganda ang eksena 'pag pumapasok ang theme song. Abangan n'yo ang teaser ng Urduja sa airing ng birthday special ni Regine na The Best of Me, Regine Velasquez sa April 27 sa GMA-7 after Ful Haus. Kahit hindi ninyo kamag-anak, o kaibigan ang animators na gumawa nito, ipagmamalaki n'yo ang husay nila. Kasama rin ang Babae sa repertoire ni Regine sa kanyang birthday special at ni-recite nito ang ilang lines ng song na bagay sa movie. Nakadagdag sa saya nito na Earth Day ang April 22, her birthday, at naging aware kung ano ang ibig sabihin at epekto ng global warming. Honored din si Regine na mapiling mag-boses kay Urduja sa first full-length digital and traditional animated movie ng bansa. Knowing her, tutulong din ito sa promo ng movie na showing sa June 18. "I had to re-dub, dahil nang una akong mag-dub ng parts ko, sumakit ang ulo ko, dahil 'di ko maintindihan. Hinampas ko pa ang ulo ko. Ino-OA pala lahat, kaya after 30 minutes, may migraine na ako. "Sa second dubbing ko nakitang maganda ang story ng Urduja, ang ganda ng animation, pero hindi nila nakalimutan ang story. Ang ganda, nakakaiyak at nakakatawa at action hero ako rito, ang cute! I'm so proud of our animators and in this movie, they are given the proper credit," kuwento pa ni Regine. * * * LUMIPAT na pala sa ABS-CBN si K Brosas na matagal ding naging Kapuso. Kasama siya sa cast ng My Girl nina Kim Chiu at Gerald Anderson at role ni Enchong Dee at best friend ni Bing Loyzaga ang kanyang gagampanan. Medyo kontrabida ang role nito at kahit komedyana, babagay pa rin sa kanya. Ang Marimar at isang episode ng Kung Ako Ikaw ang last shows sa Channel 7 na nilabasan ni K bago lumipat sa Channel 2 at gustuhing maging Kapamilya na. * * * IBINALITA ni Claudine Barretto sa presscon ng Maligno na sa May 2 na ang start nila nina Gabby Concepcion at Diether Ocampo ng TV series nilang Iisa Pa Lamang. This week na ang storycon nito at malalaman natin ang buong cast na bubuo ng first show ni Gabby. "Sobrang excited at nagpapasalamat ako sa Channel 2 na ako ang napiling isama kay Gabby. Kilala ko siya, bata pa ako. 'Pag may party sa bahay, pumupunta siya. Hindi pa kami nagkikita, sa storycon na kami magkakausap. " Pero bago 'yun, sa Maligno muna ang focus ni Claudine at hindi nito nakalimutang sabihin sa press na happy siya na muli silang nagkasama ni Diether. Nag-spoiler lang si Claudine, naka-shorts daw si Rafael Rosell sa eksenang hubad ito at puno ng dugo ang katawan. Sa April 28, na ang pilot nito sa direction ni Wenn Deramas. * * * MAIINIS na naman ang viewers na nakikisimpatiya kay Salve (Yasmien Kurdi) sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, dahil aapihin na naman ito ni Alfred (Marvin Agustin). Mahuhuli ni Alfred si Salve na nakahigang hubad sa kama, katabi si Harry (Arthur Solinap). Dahil doon, palalayasin ni Alfred si Salve sa kanilang bahay, itataboy kasama ang mga damit at sa harap pa ng mga usiserong kapitbahay. Hindi alam ni Salve na pakana lang nina Alfred at Via (Angelika dela Cruz) ang lahat para mawala siya sa landas ng dalawa. * * * MAGSISIMULA ang week 10 ng Joaquin Bordado na magkikita-kita na sa wakas sina Joaquin (Robin Padilla), Sofia/Carol (Iza Calzado) at Jerome (Ian Veneracion), pero mas papaboran ni Sofia si Jerome, dahil kilala niya ito bilang si Miguel, kanyang asawa. Maiisip ni Joaquin na ipakita kay Sofia/Carol ang framed photo nila na magpapatunay na tama ang sinasabi niya. Kaya lang, hindi na niya ito naabutan dahil lumipat na naman ng bahay. Tatawag si Sofia/Carol sa detective agency upang ipa-imbestiga ang pagkatao niya. Mag-aaway sina Dianne 1 at Dianne 2 at aawat si Dianne 3. Dahil busy, hindi napansin ng dalaga ang pagdating ni Loly (Gloria Sevilla), kaya nabistong may clone ang apo. Source: People's Tonight |