Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Writers ng fantaserye sa GMA 7, isa-isang naglalayasan?

Writers ng fantaserye sa GMA 7, isa-isang naglalayasan?

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

May posibilidad daw na hindi na mapanood sa second season ng Vietnam Rose ng Channel 2 ang aktres na si Assunta de Rossi. May violations na ginawa diumano ang Channel 2 sa kontrata ng aktres, kaya nagbabantang i-pull out ito sa serye ni Maricel Soriano.

Nagreklamo na raw ang taong malapit sa aktres sa management ng Dos. Nagtaka nga lang �yung staff ng series komo nga alam na malapit ang taong ito sa mga higher ups ng network, huh!

Ang reklamo, pinag-uusapan dapat at hindi pinag-aawayan, di ba?

***

Masalimuot ang lovelife noon ni Vina Morales bago pa man siya umabot sa edad niyang disiotso. Ginulantang niya ang lahat nung makarelasyon niya ang aktor na si Robin Padilla.

Sinuway niyang lahat ang payo ng mga taong malalapit sa kanya, ang magulang at nanay-nanayan niyang yumao na si Mina Aragon.

"I guess dumadaan tayo sa ganung parte ng buhay natin. Walang regrets sa desisyon kong �yon dahil kung hindi ko pinasok �yon, wala akong matututunan!" pag-alala ni Vina nang makausap namin sa presscon ng Oct. 28 niyang show na An Evening with the Ultimate Performer na gaganapin sa Dusit Hotel.

Makulay ang mundo that time ni Vina. Nagawa pa niyang bigyan ng regalong Rolex watch that time si Robin, huh!

"Inipon ko talaga �yung perang pinambili ko ng Rolex na �yon. Ugali ko kasi �yung nagtatabi ng pera mula sa kinikita ko. Hanggang sa nakaipon ako ng malaki at iniregalo ko �yon sa kanya. Ewan ko lang kung nasa kanya pa �yon," pagkukuwento pa ng singer-actress.

Eh, ano naman ang espesyal na regalo sa kanya ni Robin?

"Set ng earring at singsing. Hindi ko na ginagamit. Old style na kasi! Ha! Ha! Ha!" sabi ni Vina.

After Robin, si Keempee de Leon ang naging boyfriend ni Vina. Bihira man silang magkita, may communication naman sila through text.

Matapos ma-involved sa mga showbiz guys, sa pulitiko namang si Miguel Zubiri nakipagrelasyon si Vina. Hindi rin �yon nagtagal.

"Mag-aasawa na yata siya!" aniya pa nu�ng intrigahin namin tungkol dito.

After Miguel, isang foreigner ang naging boyfriend niya. Naghiwalay sila at napunta ang lalaki sa dating sexy star na si Angela Velez.

"Ay, nagkita kami minsan. May anak na sila. Okey lang naman �yung feeling ko nang makita ko siya. Pati nga anak nila, nakita ko rin. No regrets. Happy naman ako sa sitwasyon ko ngayon kahit walang boyfriend," katwiran pa ni Vina.

Pero siyempre, hindi naman nakikita ni Vina na kapag dumating na siya sa edad na 40 ay wala pa rin siyang asawa, �no!

"Hindi ko naman kasi hinahanap, eh. I am enjoying my life now as single. Maraming trabaho at nagagawa ko ang gusto kong gawin. I�m enjoying life to the fullest dahil malay mo, kapag nag-asawa na ako, lie low na ako sa career ko.

"Hindi naman kailangang guwapo. Basta responsible siya at kayang buhayin ang pamilya," pahayag pa ni Vina.

Kaya naman basta may libreng oras para sa show, hindi niya ito pinalalampas tulad ng offer ni Annabelle Rama sa show niya sa Dusit Hotel. Todo-bigay muli si Vina sa concert niyang ito na lagi niyang ginagawa kapag may concert siya, dito man sa bansa o sa abroad.

Ang sponsors ng palabas na importante kay Tita Annabelle ay ang GMA Network, Dr. Pie and Manny Calayan, Play & Display, Bench, One Card, Don Henrico�s at Crestline.

***

Lukis-lukis pala talaga ang isang young actress na basta raw tinopak at ayaw magtrabaho, gumagawa siya ng gimik upang takasan ang responsibilidad. Ayon sa kuwento ng isang director, sa set ng series na pinagbidahan ng aktres, hindi nito itinuloy ang taping dahil hindi raw kaya ng katawan niya.

Komo spoiled ang aktres, pinak-up ang nasabing taping. Natuwa rin ang direktor dahil may oras pa siyang maglamiyerda, huh!

Sa isang malaking mall nagpunta ang direktor para mag-shopping. May nakakita nga sa kanyang kakilala at tinanong kung bakit nasa mall siya, eh, dapat, may taping ito.

Idinahilan ng direktor ang pagkakasakit ng young actress sa kausap niya. Pero laking gulat ng direktor dahil nu�ng kinakausap niya ang tao, aba, sa kabilang bahagi ng mall, nakita niya ang aktres na tawa nang tawa at kasama ang boyfriend nito, huh!

Muntik nang himatayin sa pagkabigla ang direktor sa nakita niya, kaya nagmamadali na lang siyang umuwi at magmula noon, ayaw nang seryosohin ang anumang alibi ng aktres kapag may taping, �noh!

***

Hindi na matutuloy ang tropa ng Lagot Ka, Isusumbong Kita na mag-taping at magkaroon ng show sa Amerika na naka-schedule sana sa huling linggo ng buwang ito.

Kulang daw sila sa preparasyon, ayon sa executive ng sitcom, kaya ipinagpaliban nila ang biyahe ng grupo sa January next year.

Eh, aalis din si Joey Marquez papuntang Egypt dahil isa siya sa challengers sa Extra Challenge episode na gagawin doon. Kaya dito muna ang grupo ng Lagot Ka sa bansa dahil mahirap nga naman �yung biglaan ang gagawin nilang palabas sa kababayan natin doon, di ba?

***

Isa-isa palang naglalayasan ang regular writers sa isang fantaserye ng GMA Network. No wonder, wala nang kadating-dating ito sa tao, dahil sa pagkawala ng orig na writers ng series.

Naloka raw kasi ang mga orig na writers nang kuhanin ng network bilang headwriter ang unknown na writer mula sa Dos, huh!

"Mabuti sana kung mahusay siyang writer, �noh?" ani ng nakausap naming writer.

Kaya kapag nasibak na ang fantaserye na ito, siguradong matutuwa ang nag-resign na writers dahil walang puwedeng isisi sa kanila ang network, �noh!

***

For you comments and suggestions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.

Source: Abante