|
|
| Yasmien Kurdi 'inapi' ng lola niyang LebaneseAuthor: Ruel Mendoza Hindi acting kundi tunay na mga luha raw ang lumalabas sa mga mata ng young actress na si Yasmien Kurdi sa role niya bilang Charming sa GMA-7 drama series na Bakekang. Lalo na raw sa mga eksenang minamaltrato siya ni Lotlot de Leon na gumaganap bilang amo niya.
Ayon kay Yasmien, tuwing iniiwan daw siya ng kanyang ama na Lebanese sa bahay ng kanyang lola noong nakatira pa sila sa Libya, ginagawa raw siyang alila nito. Kung anu-ano raw ang mga trabahong ipinapagawa sa kanya sa murang edad niya. "Hindi niya [lola niya] kasi ako paborito kasi may dugo akong Pinoy," malungkot na pag-alala ni Yasmien sa panayam sa kanya ng PEP sa press con ng Pitong Dalagita noong November 21 sa Wok ‘N Stix restaurant. "Mas gusto niya ang mga pinsan ko kasi mga full-blooded Lebanese sila. Kaya ako ang inaapi niya.
Si Yasmien ay produkto ng artista-search ng GMA-7 na StarStruck kung saan naging runner-up siya ng first female winner na si Jennylyn Mercado. Source: Philippine Entertainment Portal |