|
|
| Yasmien Kurdi, kinasasabikan ni Rainier!![]() Author: Rey Pumaloy Hindi naniniwala si Rainier Castillo na nagkaroon ng relasyon sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. Si Rainier ay ex-boyfriend ni Yasmien. Sabi ni Rainier, hindi siya naniniwala na nagkaroon ng relasyon ang dalawa, dahil wala naman daw sinasabi sa kanya si Yasmien tungkol kay JC. Anyway, inamin din ni Rainier na mula nu'ng mabuwag ang love team nila ni Yasmien, hindi na raw sila nagkausap nito. Hindi na rin daw sumasama si Yasmien sa mga lakad nila ni Mark Herras noon. Nagtataka raw si Rainier kung bakit bigla na lang umiwas sa kanila si Yasmien. Anyway, hiling ni Rainier na manumbalik muli ang pagkakaibigan nila ni Yasmien. At sana raw ay muli itong sumama sa mga lakad nila ni Mark. At sabik na rin si Rainier na makasamang muli sa project si Yasmien, o ibalik muli ang kanilang love team. Alam ni Rainier na matatagalan bago magsama muli sina Yasmien at JC de Vera, kaya willing daw siyang makatambal muli ang dalaga. Hanggang ngayon, tinatanaw na malaking utang na loob ni John Regala ang pangalawang buhay niya kay Otep, ang executive producer noon ng Joaquin Bordado ni Robin Padilla. Kuwento nga ni John, sa taping noon ng Joaquin Bordado ay tumaas ang kanyang blood pressure. At dahil doon, bigla na lang daw namanhid ang kanyang buong katawan, at hindi na siya makapagsalita. Matinding sakit din ng ulo ang kanyang naramdaman noon. At mabuti na lang daw at sa mismong ospital sa Marikina sila nagti-taping noon, kaya naagapan ang kanyang sitwasyon. Tandang-tanda pa ni John na noong ginagamot siya ng doktor ay inihahabilin na niya ang kanyang mga anak kay Otep. At kapag bumabalik sa kanyang isip ang pangyayaring 'yon, panay pasasalamat sa Diyos ang nasasabi niya. “Napakabait ng Diyos,” madalas sabihin ni John. Sabi nga ni John, kung nagkataon daw na sa isang malayong lugar sila nagti-taping noon, o malayo sa ospital, baka raw isa na siya sa dinadalaw sa puntod ngayong undas o Araw ng mga Patay. Sa ngayon, okey na si John na magtrabaho. At sa Pieta ni Ryan Agoncillo, muli nga niyang ipinakikita ang husay niya sa pag-arte. Sabi ni John, parang acting ng Hollywood actor na si Anthony Hopkins ang ginagawa niyang pag-atake sa role niya sa Pieta.? Madalas daw kasi na mga mata lang ang ginagamit niya sa pag-arte, bilang isang kontrabida. Source: Abante |