|
|
| Yaya and Angelina chat with their fans![]() Author: Glen P. Sibonga In character sina Ogie Alcasid at Michael V. bilang Angelina at Yaya, respectively, nang ma-interview sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Monday, June 22, sa 12th floor ng GMA Network Center, after nilang makipag-live chat sa kanilang fans na in-organize ng GMA New Media Inc. (NMI) through their iGMA.tv, ang official website ng GMA Network. Kumusta ang first time nilang pakikipag-chat sa kanilang mga fans hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa na naaabot ng GMA Pinoy TV? "Maganda," bibong sagot ni Angelina sa interview ng PEP. "E kasi maganda yung kausap mo yung mga fans mo para malaman mo yung feedback nila." Sagot naman ni Yaya, "First time namin itong mag-chat. Alam ko si Angelina lagi itong nagtsa-chat sa bahay, pero first time naming mag-chat para sa iGMA. Ang daming mga boys! Kinuha ko yung mga e-mail nila para mag-send ako ng pictures, ganyan." Ano ang memorable mesage nila mula sa mga chatters? "Wala nga, e, puro kung anu-ano lang ang pinagtatanong. Akala nila totoo kaming yaya at bata!" biro ni Yaya. "Para sa akin kasi maganda yung hindi nila kami nakikita as Michael V. at Ogie Alcasid. Kasi ibig sabihin, effective yung character namin." Dagdag ni Angelina, "Marami rin ang naggi-greet, nagko-congrats. Lagi daw sila nanonood ng Hole in the Wall at saka kikita daw yung movie namin." Ano ang feeling na nagsimula lang sila sa segment ng Bubble Gang, tapos nagkaroon na ng sarili nilang TV show sa GMA-7 na Hole in the Wall at may paparating pang movie na Whatever Yaya! Spoiled Brat The Movie? Marami ang nagsasabi na sikat na sikat na sila kaya pati pakikipag-chat sa mga fans nila ay kina-career na nila. "Masaya naman. Happy kami na maraming nagkilala sa amin," ani Angelina. "Oo nga," dagdag ni Yaya. "Kahit papaano dati taga-Cebu lang ako, tapos ngayon bonggang-bongga na meron na akong pelikula. At saka natutuwa ang mga yaya kasi bida sila, e." Na-foresee ba nila noon na sisikat sila ng ganito ngayon? "Hindi, hindi namin alam," sabi ni Angelina. Biro ni Yaya, "At itong mga nangyayaring ito, palagay ko hindi na lalaki si Angelina. Maiwan na ito sa pagkabata niya." "Lagi na lang seven years old. Kahit na si Ogie mga 80, seven pa rin si Angelina!" natatawang sabi naman ni Angelina. SPOILED BRAT, THE MOVIE. Kumusta na ang ginagawa nilang pelikula? "Mabuti naman, naka-second day na kami," ani Angelina. Produced by GMA Films and APT Films, directed by Mike Tuviera, nakatakdang ipalabas ang Whatever Yaya! Spoiled Brat The Movie sa September. Makakasama nila rito ang ex-couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana, na gaganap na mga magulang ni Angelina. Kasama rin sina Iza Calzado, Sheena Halili, Victor Aliwalas, Pekto, at John "Belly Flores" Feir. "At marami pang susuporta sa amin," pagsisiwalat ni Yaya. "Si Dennis Trillo nandiyan. Si Regine Velasquez mag-a-appear. Si Brad Pitt, Angelina Jolie...kinu-contact ko pa sila." Ano ang masasabi nila na dahil sa kanila ay magkakasama ulit sa trabaho sina Jomari at Aiko? "Ang cute nga nila together, e. Nag-bonding-bonding. Hindi nga kami kinakausap, e, silang dalawa lang nag-uusap," ani Angelina. Source: Philippine Entertainment Portal |