Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Yayo, dapat maging big winner ng 'PBB'!

Yayo, dapat maging big winner ng 'PBB'!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

UMAAPELA ang mga tagahanga ni Yayo Aguila sa Pinoy Big Brother staff na muli siyang papasukin sa PBB house kapag nailibing na ang kanyang ina.

Napilitan si Yayo na lumabas sa PBB house noong Martes dahil sa biglang pagpanaw (heart attack) ng nanay niya.

Para sa mga supporter ni Yayo, siya ang karapat-dapat na maging big winner ng Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother.

Hinihiling nila sa PBB staff na bigyan si Yayo ng pangalawang tsansa na ibinigay rin kay Gaby dela Merced noong lumabas ito sa PBB House.

Strong contender si Yayo sa PBB Celebrity Edition pero naputol ang pag-asa niya na makasama sa Big Four dahil sa untimely demise ng kanyang ina.

***

Kapani-paniwala ang balita na malaki ang�budget ng Anak ng Kumander dahil sa publicity photos na ipinamigay sa presscon ng Anak ng Kumander.

Ang glossy�still pictures ng pelikula ang ipinamudmod sa entertainment press at ayon sa isang entertainment editor, mahigit sa P100 ang presyo ng bawat litrato.

Naiintindihan na namin kung bakit may balita na umabot sa P30M ang budget ng filmfest movie ni Manny Pacquiao.

***

Dumating si Ara Mina sa presscon ng Anak ng Kumander na ginanap sa Bar One ng Holiday Inn noong Huwebes nang hapon.

Ang pagsipot ni Ara ay indikasyon na wala na siyang tampo kay Manny.

"Hindi na kita malilimutan! Grabe ka!" ang statement ni Ara na tumatak sa isip ng entertainment press.

Ang isyu na nagkaroon sila ng relasyon ni Manny habang ginagawa nila ang pelikula ang intriga na tinutukoy ni Ara kaya hindi na raw niya makakalimutan ang kilalang Filipino boxer.

Sa mga action star na nakapareha niya sa pelikula, kay Manny lamang na-link si Ara, isang isyu na pareho nilang itinanggi.

Sina Rudy Fernandez, Ace Vergel at Fernando Poe, Jr., ang ilan sa mga sikat na action star na nakasama ni Ara sa pelikula.

"Kung nabubuhay si Tito Ron, idinepensa na niya ako," sabi ni Ara.

***

Si Kaka Balagtas ang direktor ng Anak ng Kumander. Base sa mga pahayag ni Kaka, halata na malaki ang tampo niya kay Valerie Concepcion na kasama rin sa pelikula pero wala sa GMA 7 sponsored presscon.

May kinalaman ang tampo ni Kaka sa reklamo ni Valerie tungkol sa kissing scene nila ni Manny sa pelikula na hindi raw kailangan pero kinunan pa rin.

By the way, ikinuwento ni Ara na inabot ng nine takes ang kissing scene nila ni Manny dahil hindi ito marunong ng "cinematic kiss".

***

As of presstime, 1,240 na ang bilang ng mga message na ipinadala kay Ellen DeGeneres ng viewers ng kanyang show.

Mga Amerikano at Filipino ang nagpadala kay Ellen ng thank you at congratulatory�messages dahil binigyan niya ng pagkakataon na mag-guest sa kanyang programa ang young Filipina singer na si Charice Pempengco.

Gustong iwasto ng isang reader ang balita na 15 years old na si Charice. Ayon sa reader, isinilang si Charice noong May 10, 1993 kaya 14 years old lamang siya.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

Source: Abante