Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Yes Pinoy' ni Dingdong, abala sa pamumudmod ng pagkain sa mga biktima ni Ondoy

'Yes Pinoy' ni Dingdong, abala sa pamumudmod ng pagkain sa mga biktima ni Ondoy

Author: Abante

TUTOK na tutok si Dingdong Dantes and his YES PINOY Foundation sa paggawa ng mga relief ope­rations para makatulong sa lahat ng nasalanta ng bagyong Ondoy.

In fact, isa sa mga una nilang ginawa ay ang mag-distribute ng bagong lutong pagkain para ipamahagi sa mga evacuation center sa Pasig at kasalukuyan pa rin silang na­nganga­lap at nagpa-pack naman daw ng mga relief goods na ipamimigay rin.

Hindi nga maikakaila na sa kabila ng trahedyang nangyari, sa mga ganitong pagkaka­taon nakikita ang pagkakaisa ng Pinoy.

Siyanga pala, nga­yong linggong ito ang simula ng mas marami pang emosyonal na eksena ni Dingdong bilang si Cholo sa Stairway to Heaven.

Siguradong babaha ang luha dahil kumpirmado na ngang patay na si Rhian Ramos bilang si Jodi.

Pero ang totoo, buhay na buhay pa si Jodi at pinalitan ni Tristan (TJ Trinidad) ang pagkatao dahil sa aksidente. Dahil sa sobrang lungkot ni Cholo sa pagkawala ni Jodi, babalik sa Amerika si Cholo at sasamahan siya ni Eunice (Glaiza de Castro). Five years sila roon at pagbalik nila ay engaged na sila.

Samantalang si Jodi ay magiging si Jenna at magiging kasintahan na niya si Tristan.

Marami rin ang pumuri sa ipinakitang pag-arte ni Dingdong sa eksenang nakita nga nito ang inaakalang bangkay ni Jodi sa hospital. Dahil dito, mas lalo raw silang nai-inspired lahat sa cast at staff ng show dahil sa magagandang feedback na natatanggap nila at ang iba'y personal talagang ipinapaalam sa kanila.

“Siguro ang masisigurado lang namin sa mga manonood ay ang mas lalo pang pagganda ng Stairway to Heaven. Lahat sa production at cast, we're giving our best para ang maibigay lang namin at mapanood ng mga tao ay 'yung pinaka-best Pinoy adaptation ng series dahil naniniwala kaming 'yung original pa lamang ay marami na ang nagkagusto,” sabi ni Dingdong.

Source: Abante