Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ynna handa nang magpaligaw kay Mark

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

Totohanin na kaya ni Mark Herras ang biro niya noon sa bagets pang si Ynna Asistio, ang beautiful daughter ng tinaguriang Brooke Shields ng Pilipinas na si Nadia Montenegro, na liligawan ito pagtuntong sa 18-anyos.

Minsan nang na-link si Mark sa young star na si Ynna noon dahil sa sobrang closeness ng dalawa at ma-dalas daw napagkikita noon si Mark sa bahay nina Nadia, gayundin sa mga lakaran ng pamilya-Asistio.

Kaya naman hindi maiwasang tuksuhin ngayon si Mark kay Ynna dahil kitang-kita na ang kakaibang ganda ng young star.

May mga nagsasabi ngang bagay na bagay si Mark at Ynna nang mapanood ang mga ito sa debut ng young star sa SOP kung saan si Mark ang escort nito.

Kaya muling umugong ang tuksuhan sa audience at host ng nasabing programa.

* * *

Bongga ang naging se-lebrasyon ng birthday ni Kuya Germs. Bukod sa se-lebrasyon sa show niyang Master Showman ay nagkaroon din siya ng birthday celebration sa SIS at SOP.

May tribute din sa kanya ang I-Witness, hosted by Sandra Aguinaldo.

Ilang artista na ba ang ga-ling sa show ni Kuya Germs especially sa That's Entertainment na nakapag-produce ng maniningning na artista ng bansa.

To name a few, andiyansina Lea Salonga, Billy Crawford, Sunshine Dizon, Jean Garcia, Ara Mina, Judy Ann Santos, Gladys Reyes, Piolo Pascual , Rita Avila, Jestoni Alarcon, John Regala, Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Assunta de Rossi, Lotlot De Leon at maraming iba pa.

Ibuhos kaya ni Kuya Germs ang mga sama ng loob sa GMA-7? Sabay-sabay nating tutukan sa I-Witness ngayong gabi.

* * *

Ang lead star ng Stairway to Heaven na si Rhian Ramos ang cover ng special edition ng magazine featu-ring all the talents of GMA Artist Center na ini-launch last Sunday sa SOP sabay ng pagpapakikila sa iba pang talents ng GMAAC.

Inanunsiyo na rin ni Rhian ang pagdo-donate ng 40 houses ng GMAAC para sa mga naging biktima ng bag-yong Ondoy.

Hindi lang nasabi ni Rhian kung saan itatayo ang mga bahay na ido-donate ng gmaac na pinamumunuan ni Ma'm Ida Henares.

Dahil na rin sa pananalanta ni Ondoy ay nagpasya si Rhian na sa halip na magpa-party sa kanyang birthday last Oct. 3 ay manga-ngalap siya ng donation pa-ra idagdag sa budget niya para ipambili ng relief goods sa mga evacuation center.

Isa lang ang birthday wish ni Rhian, ang magpa-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career at malaking pasalamat sa Stairway to Heaven at Ang Panday na entry ng GMA Films at Imus Production sa Metro Manila Film Festival.

* * *

All smile si Sunshine Dizon dahil consistent top-rater sa kanyang time slot ang kauna-unahang Sine Novela niyang Tinik Sa Dibdib.

Halos araw-araw ay pa-taas nang pataas ang ratings nito kontra katapat na show sa ibang istasyon.

Kahit ang staff and crew ng Tinik sa Dibdib ay ins-pired na mas pagandahin pa ang Nora Aunor film na isinalin sa telebisyon para naman daw hindi bumitaw ang mga manonood at patuloy na suportahan ito araw-araw.

Bukod TV version ng Tinik sa Dibdib ay isang pelikula ang nakatakdang ga-win ng aktres under GMA Films na may temang horror-thriller.

Source: Taliba