Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Young actor at seksing aktres, 'magkatrabaho' sa kama

Author: Ogie Diaz
Column: May Ganu'n?

BLIND ITEM: Ipinagmamalaki raw ng isang young actor sa kanyang mga kaibigan na "nachorva" na nito ang isang maganda at seksing young actress.

Nagkasama na raw sila sa isang teleserye noon. Nagkapalitan ng celfone number. Nag-text at nagkaintindihan na dadalaw sa condo unit ng aktres ang young actor.

Doon ay nag-inuman sila, nagkalasingan at 'yun na, isang bonggang-bonggang umaatikabong "chorvahan" ang naganap.

At hanggang ngayon, ninanamnam ng young actor ang naganap sa kanila. Nu'ng hindi pa kasi siya artista't hindi pa sumasali sa artista search ay pangarap na niyang makatrabaho ang young sexy actress.

Aba, maging sa "kama" ay naging "magkatrabaho" sila, kaya feeling ng young actor, "medalya" ang magkaroon ng chance na makatsuktsakan ang naturang girl.

Clue? Ang guy, pag binaligtad mo ang initials ay baklang-bakla ang dating. At ang young sexy actress daw ay parang initials ng subject sa elementary at high school.

Gets mo na?

* * *

Ang sabi sa mga press release, nakabawi-bawi na ang Lucida-DS. Actually, sa Mercury Drug, nag-number one daw uli sila among all the gluta brand na ibinebenta.

Nagtataray na rin ang mga billboards. Kumuha na rin sila ng bagong endorser after Gabby Concepcion and Loren Legarda. Nag-i-sponsor na rin sila ng mga tarpaulin ng mga tatakbong konsehal.

So, totoo nga? Na nakabalik na sila sa market?

Kung gano'n, sana, hindi na nagtatago itong si Bel Galindez sa mga pinagkakautangan niya. Sana, kahit paunti-unti, nagbabayad na siya ng utang niya sa HDI Stop-Overs, ang may-ari ng mga sites na tinatayuan ng mga billboard niya sa ilang areas sa Metro Manila.

To be exact, P930,000 ang outstanding balance ng may-ari ng Lucida. Pinadalhan ng demand letter, bumalik din sa nagpadala, dahil wala na raw ang opisina nito sa may bandang Delta.

Ni hindi rin makontak. Hiningi na rin ang tulong ng kaibigan nitong si Helen Alvaran Cruz, wa epek pa rin. "Kahit hindi naman buong mabayaran kami, eh. Kahit pakonti-konti, makabawas man lang siya, pero ang celfone niya, paiba-iba yata ng number," sey ng isang staff ng HDI.

Kaya sana, makipag-ugnayan si Ms. Bel sa HDI para hindi na namin siya i-follow up dito sa People's Tonight.

* * *

Maraming hindi nakakaalam kung gaano ka-generous si Tita Fanny Serrano. This time, manlilibre ang kilalang hairdresser at fashion designer. Ang talent niya ay ibabahagi niya nang libre sa mga kababayan.

Ang kanyang PICA (o Philippine International Cosmetologiests Association in cooperation with TESDA & PG Scholarship Program, Fanny Serrano Salon is now opern for free classes on haircutting,hair coloring, hair perming, make-up, facial treatment, scalp treatment & body massage.

"Ang target namin dito sa PICA at TESDA/PG, eh, 'yung mga out-of-school youth, undergraduates na hindi makakuha ng income generating jobs, mga balikbayanng overseas Filipino workers lalo na ang mga housewives na gustong magkaroon ng extra income o matulungan ang kanilang nagtatrabaho nang mister.

"Kahit ano'ng edad, wala kaming pinipili. Ang importante, nandu'n 'yung drive niya to learn for him/her to earn a decent living, malaking tulong ang scholarship na 'to," sey ni Tita Fanny.

Kaya sa mga interesado, tgumawag lamang sa 925-5251/ 9255253 or 9257809. "Libre 'to, walang bayad!"

* * *

Don't forget to listen to "Wow! Ang Showbiiiz!" sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www. dwiz882. com, 11-12nn.

Source: People's Tonight