Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Young actor, ibinuking sina Marian at Dingdong

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Masaya ang 11th birthday ni Paul Salas noong April 16 dahil natupad na ang dream niyang magkaroon ng sariling room sa bago nilang lilipatang bahay sa may Visayas Avenue. May nagbigay din ng bike at PS 2 na original sa bagets na ikinatuwa nito.

Hindi rin nawawalan ng trabaho sa ABS-CBN si Paul, kaya hindi na raw siya babalik sa GMA-7, pero pinayagan siyang mag-guest sa My Dad Is Better Than Your Dad. Ang Kambal Sa Uma ang last show ni Paul as the young Jason Abalos at kasama rin siya sa Dahil May Isang Ikaw nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales at siya ang young Sid Lucero.

Lagot pala si Paul kay Dingdong Dantes dahil binuking ang uncle at ninong niyang nobya nito si Marian Rivera dahil isinasama raw ang actress sa family parties ng mga Dantes.

Binuking din nitong mag-on sina Rochelle Pangilinan at ang uncle niyang si Arthur Solinap.

Hala, mag-deny na kayo, pero ang bata hindi nagsisinungaling.

* * *

Lumalaking guwapo si Jairus Aquino na 10 years old na noong April 1, pero April 4 ginawa ang party niya sa Don Antonio Heights. PS2, googles at surfing board na birthday gifts ang kanyang natanggap.

Tinanong namin si Jairus kung ano ang mga nabago sa kanya ngayong 10 years old na siya at mahaba ang sagot ng bagets:

"Dati, ang mommy ko ang pumipili at bumibili ng mga damit ko, ngayon, ako na ang pumipili ng damit ko. Pinabayaan na akong pumili ng mommy ko. Nadagdagan na rin ang financial help sa family ko. Kung dati, sasakyan lang ang nabili ko sa family ko, ngayon house na. "

Wala pang regular TV show si Jairus, pero may gagawin siyang indie film entitled Ang Asawa Kong Si Nicolette kasama si Mica dela Cruz. Kasama raw siya sa remake ng Maruja nina Kristine Hermosa at Derek Ramysay.

* * *

Nakilala namin sa presscon ni Cesar Montano si Leah Caringal ng Green Bulb PR, ad agency na may hawak sa Western Union. Nalaman namin kay Lea na isa si Jericho Rosales sa mga performer ng nationwide Western Union Gintong Galing Talent Search at concert series.

Makakasama ng actor sina Yeng Constantino at Christian Bautista at host si Chokoleit sa first leg ng concert series na gagawin sa Cebu sa May 16, sa Waterfront Hotel. Susunod ang concert sa Davao at magtatapos ito sa isang big concert sa Manila. Makakasama rin nila ang Sipol Band at musical director na si Marvin Querido.

"I am very excited and happy to be part of this event. It is a pleasure and a privilege to perform with these great artists as well as to provide entertainment to OFW families. They've been working really hard and this is a great chance for them to relax," sabi ni Jericho.

* * *

May fans sina Glaiza de Castro, Patrick Garcia at Polo Ravales batay sa ratings ng Igorota episode ng Dear Friend na two Sundays nang nananalo. Second to the last Sunday ngayon ng series at tiyak na interesado ang viewers na malaman ang istorya ng tatlo.

Hindi itinuloy ni Jason (Polo) ang pagpapakasal kay Mabel (Glaiza) at dahil sa panggigipit ng magulang, napilitan siyang umuwi at iwanan ang nobya. Nadiskubre ni Mabel na buntis siya at 'di alam kung ano ang gagawin, pero palalakasin ni Mando (Patrick) ang loob niya.

Laging nakaalalay si Mando kay Mabel habang lumalaki ang tiyan nito at nagdesisyon na itong ipagtapat kay Mabel na mahal niya ito. Kaya lang, bumalik si Jason para humingi ng tawad kay Mabel. Tanggapin kaya uli siya ni Mabel? Maiitsa-puwera na naman ba si Mando?

* * *

Natawa kami kay Paolo Serrano dahil ang manager na si Jun Nardo ang itinuro kaya hindi siya pumapayag ng frontal nudity sa mga pelikulang ginagawa.

Ayaw pa raw ng manager niyang mag-frontal siya na itinanggi ni Jun. Pero sa Heavenly Touch, may slight frontal nudity siya sa movie na mapapanood simula May 13.

Tumigil muna sa kanyang Business Management studies si Joash Balejado para mag-showbis. Sinuwerte raw siyang makapasa sa audition na ipinatawag ng DMV Entertainment, kung saan pumirma siya ng five-year contract.

Hindi nailang sa mga eksena niyang halos hubad si Joash dahil sumasali na siya sa mga bikini competition.

Ang kaibihan ngayon, pelikula na ang kanyang ginagawa at mas marami ang makakapanood sa kanya. Bukod sa wala pang experience sa bading, wala ring girlfriend si Joash, pero may naka-live-in dati.

Source: People's Tonight