|
|
| Young actor idedimanda ang mga movie reporters na naninira sa kanyaAuthor: Nel Alejandrino As we go to press, we learned that a young actor na kasalukuyang involved sa ilang controversies ang nagpaplanong i-demanda ang ilang movie reporters na patuloy na nagsusulat ng hindi maganda at mali namang balita tungkol sa kanya. "'Di ba nila alam na 'di lang ako ang apektado, kung hindi pati na rin ang aking pamilya, ang mother ko lalo na? "Inaamin ko na marami akong mistakes na nagawa. Pero nagbabago na ako. Kaya sana, sa halip na tulungan akong lalong malugmok, 'yung mga (movie) reporter na sinisiraan ako, help me sa aking effort na magbagong- buhay," anang young actor. Amen. * * * IAN F. , happy ako for our good friend and columnist din ditto sa Tonight na si Ogie Diaz. After all, we'll get the chance to see him again on the Big Screen. Ogie has a featured role in OctoArts Films Metro Manila Filmfest entry, One Night Only. He plays himself in the movie, according to direk Joey Javier Reyes. Ogie is Meliton, who discoverers the shady past of a hunk actor, Diego (played by Paolo Contis). He wants to write about it, kaso, tini-threaten siya ni Diego na gugulpihin, kapag itinuloy niya ang pagsulat ng expose tungkol sa kanya. O, di ba sahdes of what an entertainment writers go through sometimes, maka-scoop lang. One Night Only, I know, is not Ogie's first movie. He was introduced by May Minamahal, starring Aga Muhlach and Aiko Melendez, na ang nag-direk din ay si direk Joey Reyes. * * * To us his friends, and even non-friends, di inililihim, o, ipinagkakaila, ni Ogie ang kanyang gender. Pero, di ito nag-silbing hadlang para hindi niya pinangarap ang magkaroon ng pamilya. And a happy family, that's what Ogie has now. He has a loving wife and three beautiful children, all girls. Ang kanyang mga anak ang dahilan kung bakit pursigido si Ogie na magtagumpay sa bawa't larangang kanyang tinatahak. Ayaw niyang danasin ng kanyang mga anak ang kahirapang kanyang pinagdaanan. For us, ehemplo si Ogie ng isang taong nangarap magtagumpay na di hinayaang manatiling pangarap lang ang mga pangarap niya sa buhay. May your tribe increase, Ogie. * * * Playing Ogie's younger brother in One Night Only is Empoy Marquez, whose story can be likened with that of Ogie. Mahirap ang buhay nila sa Bulacan. In fact, ayon kay Empoy, ang kanilang kundisyon sa buhay ang malamang na naging dahilan kung bakit naghiwalay ang kanyang mga magulang, noong sila'y mga bata pang magkakapatid. Empoy and his siblings grew up with their Lola. At being the eldest sa kanilang magkakapatid, saksi siya kung gaanong kahirap ang dinanas ng kanyang Lola, mapakain lang sila ng tatlong beses sa isang araw. At mapag-aral. But despite their kahirapan, basically a happy person daw si Empoy. Kaya, one time daw, while his Lola was watching a noontime program on ABS CBN, na-catch ang atensiyon ng kanyang Lola tungkol sa isang kontes na may kinalaman sa pelikulang Mr. Swabe, na tinatampukan ng kanyang paboritong komedyante na si Vhong Navarro. "Kayang kaya mong manalo sa kontes na iyon," sabi daw sa kanya ng kanyang Lola. "Sumali ka. " Awa ng Diyos, nanalo siya. At naging malaking tulong sa kanya, sa kanilang magkakapatid, lalo na sa kanyang Lola ang premyong kanyang napanalunan. The title Mr. Swabe, which he earned from the contest also served as Empoy's passport to a showbiz career. * * * Dating ang director na si Danni Caparas ang nag-handle ng kanyang showbiz career. Now, he is a talent na ng Star Magic. And, so far, he said, good naman ang mga nangyayari sa kanya. Panglima na niyang movie itong One Night Only. Two comedy movies gave him the chance na, wika nga, makipag-pit talent kay Vhong, who, to date, remains his idol. These are Suphapalicious and My Only Luv. He turns a bit dramatic, which he didn't realize can be his forte, too (joke lang, he cuts in), in the series, Kahit Isang Saglit, where he plays sidekick to Jericho Rosales. "Pero, itong One Night Only ang panoorin n'yo," ani Empoy. "Marami kaming eksena na magkasama ni Kuya (Ogie Diaz). Kaya, magkakaroon kayo ng ideya kung sino ang mas magaling magpatawa. "Again, joke lang, Kuya Ogie. " Source: People's Tonight |