|
|
| Young actor, kinawawa sa kinalabasan ng huling teleseryeAuthor: Vinia Vivar Masamang-masama ang loob ng young actor sa kinalabasan ng huling teleserye. Bago niya kasi ito tinanggap, pinangakuan siya na isa rin siya sa bida at 'di madedehado sa dalawa pang kasamang lead stars. Pero hindi natupad ang pangako dahil nagmukha siyang kawawa sa naturang teleserye at lumabas na supporting lang. Sa exposure na exposure na lang, dehadung-dehado ang young actor dahil mas maraming eksena ang dalawang kasama. Maging ang mga magulang ng young actor, disappointed sa kinalabasan ng teleserye. Ang tatay daw nito, maagang natutulog, pero gumigising kapag ang soap na ng anak ang umiere only to find out na wala namang eksena ang anak niya. Ang konsuwelo na lang ng ama, at least, nakikita niya ang anak sa OBB (opening billboard) ng teleserye, kung saan ay tatlo silang bida na ipinakikita. Kung alam lang daw ng young actor na ookrayin siya sa naturang teleserye, 'di sana'y hindi na niya tinanggap ito kesehodang wala siyang project. * * * As we go to press, galit na galit ang fans ni Diether Ocampo na "Dietiters" kina Kristine Hermosa at Oyo Sotto dahil ang feeling nila, pinagmukhang tanga ng dalawa ang kanilang idolo. In the past kasi, matatandaang panay ang pagtatanggol ni Diet kay Kristine tungkol sa issue with Oyo.
Pero nitong huli, say ng fans, napapansin nilang bothered and confused na si Diet sa issue base na rin sa mga sagot nito sa K-text. Minsan, may text pa ito na "What do you think, guys?" na parang sila pa ang tinatanong tungkol kina Oyo at Kristine. Mukhang may basehan ang pag-aaala ni Diet dahil ngayon, unti-unti nang inilalantad nina Oyo at Kristine ang kanilang "closeness. " Sa isang mahabang e-mail na ipinadala ng "Dietiters" sa ilang members of the press, kinukondena nila ang ginawang pakikipagmabutihan ni Kristine kay Oyo right under Diet's nose. Hindi raw ba alam ni Kristine kung gaano siya kamahal ni Diet? "Friends daw sila ni Oyo kuno," say pa sa e-mail ng fans. Sa ngayon, wala pang ibinibigay na reaksyon si Diet hinggil sa Oyo-Kristine issue. Ang huling balita namin, nasa U. S. siya at ewan kung dumating na sa bansa. Sa huling issue kay Kristine, kung saan nasangkot ang aktres sa isang aksidente sa Cavite, kahit nasa Amerika'y ipinakita ni Diet ang suporta kay Kristine nang magbigay ng pahayag sa press na nalulungkot siya sa nangyari. * * * Tuwang-tuwa si Angel Locsin at ang buong staff ng Maalaala Mo Kaya sa mataas na rating ng Pilat episode ng young actress with Sam Milby last Friday. Base sa lumabas na survey ng AGB Nielsen's Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM), nakakuha ang MMK ng 25. 4 percent at tinalo nito ang tatlong programang kasabay sa kabilang istasyon — Hwang Jini with 24. 3, Jumong with 23. 2 at Bubble Gang 12th anniversary presentation with 15. 9. Ang NUTAM ang bagong TV survey na ni-launch ng AGB at minu-monitor ang buong Pilipinas, hindi lang Mega Manila, Metro Manila, suburbs, Visayas at Mindanao. Source: People's Tonight |