|
|
| Young actress nagseselos sa gf ng kaparehang actorAuthor: Vinia Vivar Hindi nagustuhan ng batang actress ang ginawang pag-amin ng kaparehang aktor na may girlfriend na siyang iba. Katuwiran ng batang aktres, hindi makabubuti sa loveteam nila ang pag-amin ng aktor, lalo pa nga't bini-build up ang kanilang tandem. Apparently, mukhang hindi lang 'yun ang dahilan kung bakit nagsisintir ang young actress. Nagseselos ba siya? May gusto ba siya sa kaparehang aktor? Well, if ever, hindi pa naman huli dahil binata pa naman ang aktor and who knows kung sino ang makakatuluyan niya? Kung sakaling magiging sila, good catch naman sila sa isa't isa dahil pareho silang popular at bagay na bagay pa. Wait and see na lang tayo kung ano ang mangyayari sa mga susunod na kabanata. * * * Sa presscon ng Shake, Rattle and Roll 9, naging issue rin ang billing between Mart Escudero at Matt Evans. Nauna kasi sa billing si Matt and for some people, unfair ito dahil first movie pa lang ito ng young actor, na nakilala bilang Pedro Penduko samantalang si Mart naman ay nagbida na sa katatapos na movie nila ni Jennica Garcia sa Regal Films. Pero seniority-wise, wala namang dudang si Matt talaga ang dapat mauna dahil nauna itong pumasok sa showbiz at magkapangalan kesa kay Mart. Pero para sa dalawang young actors, wala naman daw problema kung sinuman ang mauna dahil wala silang alam sa ganu'ng bagay at producer naman daw ang may final say sa ganyan. * * * Billing issue pa rin, balitang nagrereklamo raw ang ilang cast ng "Enteng Kabisote 4" dahil hindi man lang sila nasama ang pangalan nila sa posters. Katwiran naman ni Aster Amoyo na publicist ng EK4, sa sobrang dami ng artistang kasama sa movie, hindi raw magkakasya kung ilalagay lahat sa posters. Kahit wala naman daw sa tarpulin ay makikita ang pangalan ng lahat ng cast sa OBB credits ng movie. Ayon naman sa isa sa production staff, kung makikita raw ang concept ng poster, Enteng Kabisote family lang daw ang nakalagay na kinabibilangan nina Vic Sotto, Kristine Hermosa, Oyo Sotto, Aiza Seguerra, Ruby Rodriguez and Jose Manalo plus dalawa or tatlo lang na cast. Kahit nga raw sina Joey de Leon, Candy Pangilinan, Jomari Yllana at Cristine Reyes ay hindi na raw naisama sa lay-out poster. * * * Ihaharap na ni John Estrada ang kasalukuyang apple of the eye niyang si Priscilla Meirelles (Miss Earth 2004) sa publiko ngayong Miyerkules sa "The Ricky Lo Exclusives" as the actor introduces his girlfriend to host Ricky Lo. Together, they will talk about their 5-month-old relationship at kung ano ang mga pagsubok na dinadaanan nila so far. Mapapanood din sa programa ang mag-asawang Marc Pingris and Danica Sotto na punong-puno ng pagmamahalan sa isa't isa lalo na ngayong a new stork is coming out. Guests din sina Iza Calzado and Ken Chu of the movie, "Batanes" at pag-uusapan nila ang kanilang first team-up, gayundin ang kani-kanilang love life. Episode titled "Panindigan MO", mapapanoo lahat ito ngayong gabi sa TRLE sa QTV-11 sa ganap na 8:30pm. Source: People's Tonight |