|
|
| Young star, problemado na agadAuthor: Chit Ramos NAKAUSAP ng Tiyempo si Paolo Alvarez, na nagpakilalang ama ng baguhang aktor na si Angelo Ilagan. Nakakulong siya ngayon sa isang presinto sa Quezon City sa kasong estafa. Naawa agad ang Tiyempo sa l5-taong gulang na actor na ngayon pa lang nakikilala sa drama series na "Mga Anghel Na Walang Langit." Ang aga niyang magkakaroon ng problema. Beinte mil (P20,000) ang bail para makalayang pansaman-tala si Paolo sa kulungan. Hindi pa nagtatapos diyan ang hihingin niyang tulong kay Angelo. Nag-try ang Tiyempo na ipaliwanag sa kanya na baka hindi pa makakaya ng anak ang ganito kalaking halaga, pagkat nag-u-umpisa pa lang ito. Kung may kinikita man ito, may mga gastusin naman itong dapat harapin, tulad ng pamasahe (wala pa siyang sasakyan), mga damit, gamit, pagkain, at iba pa. Ayon kay Paolo, isang taon pa lang si Angelo nang magkahiwalay sila ng mommy nito. Hindi naman binanggit kung ano ang dahilan ng kani-lang paghihiwalay. Nagkaroon siya ng ibang mga karelasyon, kabilang ang babaeng naging dahilan ng pagkakakulong niya ngayon. "Pinagbintangan ako ng parents niya na nagnakaw ng isang maliit na bisikleta. Hindi ko naman gagawin iyon, kaliit na bagay," himutok niya. Nag-artista rin daw si Paolo noon at hindi nga lang nagtuloy dahil wala siyang manager. Gusto pala niyang ipaabot sa isang kakosa ang pasasalamat. Ito ang tumawag sa Tiyempo para ipaalam ang problema ni Paolo na nakakulong. Di maiyak Hindi na itinatago ni Christian Bautista ang matinding pagmamahal kay Rachelle Ann Go na inihayag nito sa isang episode ng "Home Boy." Ang dating tamemeng singer ay natakot, marahil, sa rami ng kanyang karibal sa puso ng dalaga. Bagamat ayaw pang aminin ng dalaga ang kanilang relasyon ni Christian, wala na rin sigurong makakalapit pa sa kanya because she is as good as taken. Obvious ba? Inseparable sila. Ewan ba kay Rachelle kung bakit pinatataas pa ang kilay ng mga nakakakita sa kanila. Gusto pa yatang pahabain ang puzzle. Sakay naman nang sakay si Christian. "I will wait as long as it takes," anya pag natatanong kung hanggang kailan siya puedeng maghintay. Samantala, kahit ayaw bumagsak ang luha ni Christian sa mada-dramang eksena niya sa "Kampanerang Kuba," marami pa rin ang nakakagusto sa kanya. Pati mga tagahanga niya sa Indonesia at Singapore ay nage-email sa Tiyempo. Ituloy daw namin ang pagsusulat ng mga balita tungkol kay Christian. Maraming Pinoy din pala ang sumusubaybay sa kanya doon. Suportahan sana Maraming supporters ni Franzen ang na-alarma nang malamang kulelat siya sa mga text messages na natatanggap ng www.pinoybigbrother.compara mailigtas siya sa pagkaka-evict sa susunod na Sabado sa "Big Brother." Hindi kataka-taka ito pagkat mahirap lang si Franzen. Hindi sasapat ang kakaunting load ng mga nakikisimpatiya sa kanya. Mas marami ang nai-interview para manatili siya sa bahay ni "BB" kaysa nagte-text. Hindi rin siya matutulungan ng kanyang pamilya. Nakita naman marahil sa welcome na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN noon. Naglalakihan at naggagandahan ang kanilang banners, maliban kay Franzen. Pati mga kamag-anak at mga kaibigan na naghatid, wala rin siya, maliban sa kanyang mag-ina. Sa mga nai-interview, sanda-mukal man ang nakikisimpatiya kay Franzen, hanggang doon lang iyon. Mga ordinaryong tao. Pero, malay natin, ngayong aware na tayo sa standing ni Franzen, baka maawa rin ang kanyang mga symphatizers at kumilos din. Isang bagay lang ang tiyak. Sikat na ang bawat isa sa 12 housemates. Puede silang magkaroon ng career sa showbiz. Araw-araw ba namang napapanood sa TV. Sobra-sobrang exposure na yan. Source: Tempo |