Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Young stars of Stairway To Heaven portray childhood of the lead characters

(From left) Young actors Barbie Forteza, Joshua Dionisio, and Joana Marie Tan play the young Jodi, Cholo, and Eunice, respectively, in the new GMA-7 teleserye Stairway To Heaven.

Author: Glen P. Sibonga

Mahalagang bahagi ng buong kuwento ng Stairway to Heaven ang kabataan ng apat na pangunahing tauhan sa naturang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela.

Simula pagkabata pa lang ay isang espesyal na pagkakaibigan na ang namamagitan kina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos). Magiging sandigan ni Jodi si Cholo hanggang mahulog ang loob nila sa isa't isa. Magdaraan sa matitinding pagsubok ang pag-iibigan nila, lalo na sa pagpasok sa buhay nila ng stepsister ni Jodi na si Eunice (Glaiza de Castro) na gustong agawin ang lahat kay Jodi, pati na ang lalaking mahal niya.

Bukod kay Cholo, mamahalin din si Jodi ng stepbrother niya at kapatid ni Eunice na si Tristan (TJ Trinidad). Madadagdag pa sa paghihirap ni Jodi ang mapang-aping pangalawang asawa ng kanyang ama na si Maita Aragon (Jean Garcia), ang nanay nina Eunice at Tristan.

Kaya naman ipinagmamalaking ipakilala ng GMA-7 ang apat na kabataang gumaganap sa mga importanteng roles sa teleserye--sina Joshua Dionisio bilang batang Cholo, Barbie Forteza bilang batang Jodi, Joana Marie Tan bilang batang Eunice, at Jhake Vargas bilang batang Tristan. Aabot din ng isang linggo ang exposure ng mga batang ito bago tuluyang lumaki ang kanilang mga karakter na gagampanan naman nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at TJ Trinidad.

During the grand press launch ng Stairway to Heaven na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network last September 7 ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Joshua, Barbie at Joana Marie. Hindi nakadalo sa presscon si Jhake dahil nagbabakasyon siya sa Canada..

Joshua Dionisio. Hindi na baguhan sa pag-arte ang 14-year-old na si Joshua. Una siyang napanood sa mga Kapamilya shows noon, gaya ng Kay Tagal Kitang Hinintay, Kung Fu Kids, at guestings sa mga shows ng ABS-CBN, tulad ng Maalaala Mo Kaya.

Sa kanyang batang edad ay nagkamit na rin ng acting award si Joshua nang tanghalin siya bilang Best Actor in a Single Performance sa Star Awards for TV last year dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya entitled "Sako."

Dahil dati nga siyang Kapamilya, tinanong ng PEP kay Joshua kung ano na ang nangyari sa contract niya sa ABS-CBN Star Magic.

"Nagpa-release na po ako. Si Mama po ang nakipag-usap sa kanila," sagot ni Joshua.

Ayon sa batang aktor, wala raw siyang ginagawa ngayon sa ABS-CBN kaya nag-decide silang mag-try sa GMA.

"Maganda daw po kasi yung role kaya sinubukan namin," aniya.

Nag-audition si Joshua para sa role niya bilang batang Cholo. Mismong si Direk Joyce Bernal pa ang nag-audtion sa kanya. Na-excite naman si Joshua nang siya ang mapili.

"Masaya po ako. Nag-enjoy po ako sa taping. Sabi naman po nina Direk Joyce, okay naman daw ang pagkakaganap namin."

Itong Stairway to Heaven pa lang daw ang ibinibigay sa kanya ng GMA-7 at hindi pa raw siya nakakapirma sa network. Pero aniya, ito ang pinakamalaking break niya, so far, sa kanyang career.

"Sa kabila po kasi, marami kaming bida, kumbaga marami kaming naghahati sa billing. Dito po kasi sa Stairway, kahit bata lang po ang ganap ko, pero yung bidang lalaki naman po na si Cholo. Maganda po yung exposure na ibinigay sa akin. Tapos, isinama pa po kami ngayon sa presscon."

May pagkakatulad ba sila ng batang Cholo in real life?

"Opo, makulit at maloko," sagot ni Joshua.

Katulad ng batang Cholo na agad umibig sa kababatang si Jodi ay maaga ring nagkaroon ng babaeng mamahalin si Joshua. Thirteen daw siya nang unang magka-girlfriend, pero break na raw sila. Isa pa lang daw ang naging girlfriend niya at ngayon ay puro crush lang daw. Tumanggi namang pangalanan ni Joshua ang mga showbiz crush niya dahil puro Kapamilya raw. Hindi pa raw kasi niya masyadong kilala ang mga Kapuso beauties.

Kumusta naman katrabaho ang batang Jodi na si Barbie?

"Magaling po si Barbie. Sabi niya po kasi sa akin, first teleserye niya raw ito sa GMA, tapos ganito kaagad na heavy drama," ani Joshua.

Source: Philippine Entertainment Portal