Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Young superstar ipa-partner kay Manny

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

PALAISIPAN na ngayon kung sinong "young superstar" ang ipa-partner kay Manny Pacquiao sa gagawin niyang sitcom sa GMA-7.

Matunog kasi ang usap-usapan sa production ng GMA ang isang pangalan ng young superstar.

Pero may pumapasok ding pangalan na isang galing sa StarStruck na sikat na sikat na ngayon.

Kapag nabuo na ang concept ng istorya ng sitcom ni Manny ay ipa-approve agad ito kay Manny.

Matapos nito ay sisimulan na ito agad ang taping.

Sasamantalahin ng production ang mahaba-habang bakasyon ni Manny.

Siyempre dapat silang magreserba ng maraming episode.

Expected ng production people ng sitcom ni Manny na muling lalaban ang Pambansang Kamao sa November or December.

Kaya bago pa man mag-training si Manny ay nakapagreserve ng maraming episode dahil tumatagal ng dalawang buwan ang training nito bilang paghahanda sa kanyang mga laban.

Ang problema nga-yon ng namamahala ng sitcom ni Manny ay kung saan timeslot ilalagay ang show.

Dahil si Manny ang bida, dapat ay primetime sked ito at hindi puwedeng late ipalabas.

Maraming fans si Manny na nag-aabang dito kaya dapat sa maagang timeslot ilagay ito

Pero, once a week lang ang sitcom kaya mada-ling ihanap ito 'di ba?

Alin kayang show sa primetime ang magmu-move-over para palitan ng sitcom ng No. 1 Pound-for-Pound Boxer sa buong mundo?

Dahil malapit sa puso ni Manny ang asawang si Jinkee at inang si Dionisia, puwede ring i-guest ang dalawang babaing mahalaga sa buhay ng champion.

* * *

DAHIL okay na ang schedule ni Manny Pacquiao ngayon, naka-schedule naman siya this week na magbalik-taping sa Pinoy Records.

Noong kasagsagan ng kanyang training para sa fight niya kay Ricky Hatton, tanging si Chris Tiu ang nag-take over ng show.

Baligtad naman silang dalawa ngayon, busy si Chris sa training niya RP basketball team.

Nasa abroad si Chris kaya si Manny naman ang magte-take over ng hosting ng Pinoy Records.

Kaya ngayon pa lang pinaghahandaan na ng staff ang pagbabalik-taping ng Greatest Fighter That Ever Lived.

Last Monday ay bi-nigyan ng surprise cake si Manny ni President Gloria Macapagal-Arroyo.

Pinakamalaking cake ito na nagawa ng staff ng Malacañang.

Tumitimbang ang cake ng 22 kilos at may design ng IBF lightwelterweight champion belt.

Ang motorcade ni Manny ay mapapanood ng buo sa Sabado sa Pinoy Records.

* * *

PART 2 na ng super sayang Summer Special ng Bubble Gang this Friday sa GMA-7 pagkatapos ng Fated To Love You.

Sina Daiana Meneses, Kevin Santos, Bearwin Meily, Pauleen Luna at Rich Asuncion ang ma-kikigulo kanila Ogie, Bitoy, Rufa Mae, Wendel, at sa buong cast ng BG.

Anong gagawin mo kapag nahuli kang nagte-take advantage sa isang babae dahil sa kalasi-ngan? Paano kaya isasalba ni Tio Petto si Panopio matapos itong malunod? At anu-ano naman kaya ang mga bagong isusumbong kay Bongbong na may kinalaman sa mga nakikita at nagaganap sa beach?

Nagbabalik din ang Sex Balls at aawitin nila ang kanilang bersyon ng kantang Low.

Mamilipit sa katata-wanan ngayong tag-init kasama ang buong bar-kada ng Bubble Gang ngayong Biyernes sa GMA-7.

* * *

NAKAKUHA ng pinakamataas na nationwide credibility rating ang mga programa ng GMA Network News and Public Affairs, ayon sa Pulse Asia 2008 Ulat ng Bayan survey.

Ito'y ibinigay sa amin ng corporate office ng GMA Network

Ayon sa nasabing survey, 73% ng TV viewers nationwide ay kumi-kilala sa kredibilidad ng GMA News and Public Affairs (N&PA) programs.

Naungusan ng ng GMA ang ABS-CBN News and Current Affairs na nakakuha ng 72%.

Higit pang kinilala ang kredibilidad ng GMA News and Public Affairs sa National Capital Region (NCR) kung saan naiulat ang 84% na credibility rating kumpara sa 65% ng ABS-CBN.

Mas mataas din ang credibility ratings ng GMA Network sa upper at middle classes (ABC).

Sa AB at C classes, nagmarka ang GMA Network ng credibility rating na 85% kumpara sa 68% ng ABS-CBN. Maging sa lower class D, nanguna ang GMA na may 75% credibility rating laban sa 74% ng ABS-CBN.

Nagpapatunay ang mataas na TV rating ng mga programa ng GMA Network sa kredibilidad nito.

Noong Marso, nakapagtala ang primetime newscast na 24 Oras ng average audience shares ng 44. 4% sa viewer-rich na Mega Manila, mataas ng 7 percentage points sa 37. 4% ng TV Patrol World">TV Patrol World.

Sa Urban Luzon, na-nguna ang 24 Oras sa kompetisyon na may average audience shares na 41. 8% laban sa 40. 2% ng TV Patrol World">TV Patrol World.

Mas malaki rin ang audience shares ng GMA Network sa viewer-rich Mega Manila at Urban Luzon sa special news coverage noong 2008 at unang bahagi ng 2009.

Kasama sa news coverage na ito ang ZTE scandal, Rudy Fernandez funeral, State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo, Barack Obama inauguration, at iba pa.

Source: Taliba