Zaijian "Santino" Jaranilla records inspirational talks for his album Author: Philippine Entertainment Portal Lumikha ng ingay ang child superstar si Zaijan Jaranilla o mas kilala bilang Santino matapos magwagi ang kanyang pinagbibidahang teleserye na May Bukas Pa bilang Best TV Series sa 31st Catholic Mass Media Awards (CMMA).
Ang tagumpay ni Santino ay hindi lamang natatapos sa kanyang patok na teleserye. Pinasok na rin ng batang aktor ang mundo ng recording. Muli na namang magbibigay ng pag-asa si Zaijian sa pamamagitan ng kanyang bagong album na pinamagatang May Bukas Pa Soundtrack 'Conversations of Bro and Santino.' Tampok dito ang kanyang pakikipag-usap kay 'Bro' at mga kantang hango sa hinahangaang teleseryeng May Bukas Pa na inawit ng mga pinakasikat na OPM artists gaya nina Erik Santos, Toni Gonzaga, Rhap Salazar, at Juris ng MYMP.
Naikuwento ng walong-taong gulang na child superstar kung paano magbibigay inspirasyon ang kanyang pakikipagpalitan ng salita kay 'Bro.' "Magkukuwento kaming dalawa kung paano po maging mabait, paano mag-pray at paano po maging masunurin."
Samantala, hindi lamang ang bagong album ni Santino ang katibayan ng kanyang kabutihan at kamusmusan. Ang child superstar ay rumampa rin sa Star Magic for a Cause fashion show na ginanap kamakailan. (CLICK HERE to see photos of the show mounted for the benefit of typhoon victims)
Napapanood ang May Bukas Pa sa ABS-CBN gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol World.
Source: Philippine Entertainment Portal |