|
|
| Zanjoe, bagong leading man ni JudayAuthor: Chit Ramos I Wendell Ramos ang unang talent (na dating mina-manage ng yumaong Douglas Quijano) na tinanggap ni Wyngard Tracy sa sarili niyang kuwadra. Sumunod si John Estrada and lately si Richard Gomez, kasama ang misis niyang si Lucy at anak nilang si Juliana. Nanghihinayang naman kay Maricel Soriano ang mga du-malo sa presscon ng "Family Fued Season 3" na wala na ngayon sa mapagkandiling kamay ni Wyngard. Hindi naman nagkait ng sagot ang magaling na manager, kung bakit naghiwalay na sila ng landas ni Marya. "It was a mutual decision," an'ya. "At magkaibigan pa rin kami. Actually, kinonsulta pa niya ako tungkol kay Malou Fagar ng Tape Inc. at sabi ko naman, kaibigan ko si Malou at magaling din itong mag-alaga ng talents niya. So, there, walang intriga." Ang unang requirement na hinihingi ni Wyngard para sa isang talent ay ang pagiging on time nito sa mga commitment. "Nakakahiya kasi kapag pinaghihintay ang kausap namin. At wala naman akong nagiging problema sa kanila, lalo na si Richard." Charismatic host May bagong title si Richard, bukod sa "Brown Adonis" - "The charismatic host" daw dahil ma-appeal siya sa televiewers. Everyone adores him, lalo na't very charming ang manner niya ng pakikipag-interact at pagjo-joke sa studio contestants at audience. May bahid nga ng intriga ang sabi-sabing nakatagpo na raw ng katapat si Edu Manzano na may sikat ding "Game Ka Na Ba" show sa Kapamilya network. Natitiyak kong matatawa lang si Richard sa mga nagbabalak na pag-awayin sila. Sa Lunes, Oct. 19, na magsisimula ang "Family Fued" at maraming surprises na inihanda ang game show. Bukod sa mala-laking cash prizes at bonus give-aways, may major changes pang magaganap. "Siempre naman para ma-feel natin ang 'brand-new look' nito at more high-tech playing mode, with matching lighting effects at fabulous studio arrangements para naman makapantay man lang tayo sa international counterpart nito," pahayag ni Richard. Dagdag excitement pa sa game show ang pagdayo nila sa Cebu, Davao, Iloilo at Dagupan para mag-audition ng mga pamilyang maglalaro. Lilipad sila sa Maynila for free with accommodations and travel expenses, siempre. Isang bagay na hindi mawawala sa show ay ang paghalik ni Richard sa pisngi ng female contestants, manalo man o matalo sila. Zanjoe-Juday team-up Aatakinin na naman ng nerbiyos si Zanjoe Marudo ngayong napili siyang maging leading man ni Judy Ann Santos sa bagong teleseryeng gagawin ng Kapamilya network. Hindi pa nga siya nakaka-recover sa shock ng pakikipagtunggali sa akting kay Piolo Pascual sa "Lovers in Paris" na kasalukuyang nagre-rate nang husto at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi. Makikiagaw pa siya sa atensyon ni KC Concepcion dahil love triangle ang istorya nito. Actually, bago ang "Lovers In Paris" napansin na rin ang pagiging effective leading man ni Zanjoe sa "Da Wedding" with Anne Curtis and the versatile at universal leading man na si Derek Ramsay. Nangako rin siya sa sariling seryosohin pati comedy show nilang "Banana Split." "Sobra ang bonding namin nina John Prats at Jason Gainza. Kahit tapos na ang taping, nagkakasama-sama pa rin kami. Natutunan namin magbigay ng sarili naming inputs para lalong gumanda ang show. Imagine, may daily servings na kami. Dati tuwing Sabado lang kami ipinalalabas." Source: Tempo |