Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Zanjoe, proud na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan si Mariel!

Zanjoe, proud na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan si Mariel!

Author: Abante

Ipinagmalaki ni Zanjoe Marudo na patuloy na tumatatag ang relasyon nila ni Mariel Rodriguez. Feeling ni Zan­joe, malaking factor daw na wala silang masyadong mga sine-set na date ni Mariel at wala silang mga pressure sa isa't-isa, kung kaya okey pa rin sila.

Wala rin daw problema kay Zanjoe kung nagpapa­seksi man si Mariel ngayon sa kanyang mga pictorial tulad ng pag-e-endorse nito ng mga lingerie.

“Wala talagang problema sa akin 'yun. Siguro kung pangit ang katawan niya, pagkatapos, gagawin niya `yon, parang nakakahiya 'yun,” say niya.

So, proud siya sa kaseksihan ni Mariel?

“Oo naman! Kung may karapatan ka naman, bakit mo naman itatago? At saka, kapatid niya ang may-ari noon, kailangang suportahan niya ang kapatid niya.”

Okey rin ba sa kanya 'yung ideya na pinagpapantasyahan si Mariel ng ibang guys?

“Mas maganda 'yun! Kumbaga, 'yung girlfriend mo, pinagpapantasyahan ng ibang mga lalaki. Ibig sabihin lang noon, suwerte ako.”

Okey lang sa kanya na may ibang mga umaaligid sa girlfriend niya?

“Hindi naman natin maiiwasan 'yun, 'di ba? Siyempre, kahit paano, proud din ako. At least, 'yung girlfriend ko, nagugustuhan ng ibang tao. Hindi naman habambuhay, kahit naman asawa mo minsan, hindi mo mapipigilang magustuhan ng ibang tao.

“Ako nga, nagkakagusto pa rin ako sa ibang babae kahit na ganoon. Hindi mo maiiwasan 'yun.”

Bukod sa pagiging isa sa busiest young actor ng Kapamilya network ni Zan­joe, ipapalabas na rin ang kauna-unahang indie film na ginawa niya, ang Altar. Isa itong suspense-drama from Cinema One originals noong 2007 na idinirek ni Rico Maria Ilarde at mapapanood na nga ngayon hanggang November 4 sa Indie Sine ng Robinson's Galleria.

Gusto raw niyang masundan ang ginawa pang indie film na Altar. At wil­ling daw siyang gumawa ng mas daring roles.

“Oo naman! Mas gusto ko 'yung ganoon, 'yung walang limitasyon. Basta ba 'yun talaga ang istorya at mararamdaman ko at maniniwala ako sa charac­ter, oo naman. Kahit na ano pa 'yun, gagawin ko,” matapang na sabi ni Zanjoe.
***

Haharapin ng Broadway sensation na si Lea Salonga ang hamon ni Banker bukas, Lunes (Oct 20) sa Kapamilya Deal or No Deal. Matapos ang matagal na panahon, ngayon lang muling matutunghayan si Lea sa isang game show kung saan maglalaro siya para sa beneficiary niyang “I Can Serve” Breast Cancer Advocacy Group.

Last week ay naglaro na rin ang mega-daughter na si KC Concepcion, pati na ang award-winning actress na si Lorna Tolentino.

Tunghayan ang “Kapamilya Deal or No Deal” hosted by Kris Aquino, tuwing Lunes hanggang Biyernes, bago ang “TV Patrol World">TV Patrol World” sa ABS-CBN.

Source: Abante