Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Zsa Zsa Padilla opens up about Karylle and Dingdong Dantes' split

Zsa Zsa Padilla opens up about Karylle and Dingdong Dantes' split

Author: Morly Alinio

Matagal ding hindi nakita at nakausap ng ABS-CBN.com si Zsa Zsa Padilla kung kaya't maraming kwento ang aktres/singer sa nakaraang concert nila nina Kuh Ledesma, Regine Velasquez at Pops Fernandez. Labis daw ang pagpapasalamat ng aktres sa mga artista at mga kaibigang nanuod sa Diva 4 Divas na ginawa sa Araneta Coliseum. "Ibang klaseng friendhip ang nabuo sa aming apat nina Kuh, Pops at Regine, Grabe ang saya talaga, Hindi nga namin naramdaman yung pagod kasi pare pareho kaming enjoy sa aming mga ginagawa." Mula sa pagpaplano, sa reharsal at maging sa mismong actual show ay wala raw masasabi si Zsa Zsa sa kanyang kapwa Divas.

Sa kabilang banda, natanong na rin si Zsa Zsa tungkol sa break-up ng kanyang anak at ng aktor na si Dingdong Dantes. "Kung paano na open sa akin nun ni Karylle yung breakup nila ni Dingdong? I think sa phone. Para kasi noong una, parang may chance pa yatang magkabalikan or what so ever, and then finally before I left we had dinner and she told me and we had a long talk." Hindi raw umiyak si Karylle habang sila ay magkausap. "No, she is not crying, may mga moments na kapag nagku-kwento siya sa akin ay medyo emotional siya but ako rin ayokong umiyak sa harap niya kasi si Karylle pag naumpisahan niya ang humikbi, matagal. Kaya kinokontrol ko ang sarili ko nung time na iyon kasi kahit na sinong ina makakaramdam ng sakit kung sa bibig mismo ng anak mo maririnig yung sama niya ng loob. Pero tulad nga nang madalas kong sabihin kung hindi masasaktan ang isang tao hindi siya titibay at alam ko na mas naging maltibay ngayon si Karylle dahil look at her parang napakadali niyang nakapag-adjust siguro dahil ever since ang anak kong iyan naging matatag na sa pagsubok and lahat kami we are really happy for her kasi nakita namin she is very strong person and she has a bright future ahead of her."

Ayon kay Zsa Zsa hindi isang ordinaryong babae si Karylle. May tatag at lakas ng loob daw ito sa pagharap sa mga pagsubok na bagay na higit na nagpapalutang sa strong personality ng aktres. "Maraming opportunity coming her way and sometimes ganoon talaga 'di ba pag hindi ka swerte sa pag-ibig magiging suwerte ka naman sa ibang bagay. Ang maganda kasi sa kanya kahit wala ako noong mga panahong nagkaroon sila ng problema ni Dingdong nag-retreat siya siya, tumawag siya sa itaas. At diyan ako bilib sa batang iyan kapag may problema iyan dun sa Itaas ang tawag agad niya kaya napakadali niyang naka-kasurvive sa kung ano man ang kanyang mga pinagdadaanan." Dagdag pa niya, kaya rin siguro naging matatag si Karylle ay dahil na rin marami itong lessons learned mula sa kanya at sa kanyang ex-husband. "Kung natatandaan ninyo, open book naman ang naging buhay ko 'di ba? Alam naman ng lahat kung ano yung nangyari sa amin nung father ni Karylle. Maliit pa siya noong maghiwalay kami ng daddy niya. 'Yung ibang bata kapag ang naglhihiwalay yung parents nila, eh, napariwara ang buhay pero siya talagang mas nag-pursige siya para mai-diretso ang buhay niya. So ganoon ang attitude niya, she has a very, very positive attitude talaga."

Sinabi ni Zsa Zsa na marami silang napagkwentuhan ni Karylle mula nang mag-simulang maging shaky ang relasyon nila ni Dingdong hanggang sa tuluyang maghiwalay ng landas pero ang lahat ng mga detalye ay hindi na raw kailangan pang ipaalam ni Zsa Zsa sa publiko dahil very private daw iyon para sa kanilang mag-ina. Nang huli naming makausap si Dingdong ay sinabi nitong balak niyang kausapin si Zsa Zsa matapos una nang makipag usap sa ama ni Karylle. "Wala pa kaming naging pag-uusap ni Dingdong, Hindi pa kami nagkaroon ng chance na magkita and siguro kaya hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap he is busy. He has a lot of projects but honestly, okay sa akin, wala akong nakikitang problema kung mag-usap man kami dahil naging mabait naman siya sa akin"

"It hard to answer," ang maikling pahayag ni Zsa Zsa nang itanong ng ABS-CBN.com sa kanya kung nanghihinayang ba siya sa almost three years na relasyon nina Karylle at Dingdong. "Honestly ang hirap talagang magsalita but one thing is for sure I'll miss him. Ah, kasi three and half (years) silang magkasama at naging masaya. Naramdaman din namin yung panghihinayang siyempre. I have even a picture him in our house at hindi ko naman iyon ililigpit basta-basta. I'm not that type of person. He is a part of our life also. Yung iba nga sinasabi parang masyado akong kampi sa kanya, Hindi naman. Sinasabi ko nga lahat ng mga nagiging kaibigan ni Kaye (palayaw ni Karylle) lahat ng mga nanligaw at naging boyfrfiend niya naging kaibigan ko din. Yung kay Dingdong, medyo napapag-usapan lang dahil pareho silang mga artista." Wala raw nararamdamang galit si Zsa Zsa kay Dingdong "Alam mo kasi sa show business maliit lang ang mundo natin 'di ba, eh, kung may awards night or function at magkikita kami ayoko naman na lalayo ako . Kasi natutunan ko iyan kay Dolphy. Kasi si Dolphy wala nga siyang kaaway 'di ba? Honestly ang nakita kong solusyon dito ay magdasal. Basta ever since hindi ako nanalangin nang ikasasama o ikapapahamak ng aking kapwa."

Source: ABS-CBN Interactive