Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Zyrus bagong sibol na komedyante

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

Speaking of Bangs Garcia, ang 2009 Tanduay Rhum image model, ay napakalaki ng resemblance nito sa ex-beauty queen/actress na si Anjanette Abayari.

Gandang-ganda kami sa maamo nitong mukha, magandang katawan at kayu-mangging kulay.

Marami nga sa kapatid sa panulat ang nagsa-sabing papasa itong Darna like Anjanette Abayari na kamukha nito.

Bukod kasi sa ganda ng mukha at katawan ay very atheletic din ito na kailangan sa role na Darna.

'Yun nga lang nasa bakuran ito ng ABS-CBN na re-gular na napapanood sa Kambal sa Uma, kaya malabong mangyari.

Maliban kung mag-over da-bakod ito sa GMA-7 at magiging Kapuso. Yun na !

* * *

Happy to be single ang motto ng pinakasikat na Sexbomb member at bida sa Daisy Siete Season 23 "Cha Cha Muchacha" na si Rochelle Pangilinan.

Tsika ni Rochelle na almost 2 or 3 years na daw siyang loveless.

Aminado naman daw itong maraming nagpaparamdam sa kanya pero mukhang hindi pa daw nito matagpuan ang kanyang Prince Charming.

Hindi naman daw niya inililihim na constant date sila ng actor na si Arthur Solinap.

Sa ngayon daw ay busy si Rochelle sa ta-ping ng "Cha Cha Muchacha," kasama ang Sexbomb Girls, Irene Celebre, Daria Ramirez, Dax Martin, Daniel Fernando, Lou Veloso, Patrick Dela Rosa, Tariq, JR de Guzman, Julian Trono at Julian Trono.

Ang Daisy Siete season 23 ay produced ng Focus E ng kaibigang Joy Cancio, sa direksiyon ni Roel Ikamen at sa panulat ng controversial na si Suzette Doctolero at ni Joy Cancio.

* * *

Bukod sa pagiging actor/model ay nahihilig din sa boxing ang ex-PBB housemate at ABS-CBN star na si Rico Barrera, ang bida ng indie film na Walang Hanggang Paalam , Marino at Dukot.

Ito raw ang paraan ni Rico para mas mapaganda ang katawan at ma-ging healthy.

Bukod pa sa very challenging kay Rico ang sports na boxing, kung saan idolo ang Pambansang Kamao si Manny Pacquiao.

Bukod sa boxing ay mahilig din itong mag-swimming at mag-gym.

* * *

NAGING ng matagumpay ang Medical Mission ng PMPC at UNTV 37 ni Kuya Daniel Razon na ginanap sa Payatas, Quezon City.

Present ang halos lahat ng PMPC members and officers para magbi-gay ng serbisyo sa mga kababayan natin sa Payatas.

Bukod sa PMPC at UNTV 27 people ay du-magsa rin ang suporta ng mga artista na nagbigay-aliw sa PMPC medical mission, mula kay Alfred Vargas na tatakbong konsehal ng Distrito 2 ng Quezon City, Dance Squad singers and dancers , JR de Guzman, Arron Villaflor, Inton scholars, Ronnie liang, Bangs Garcia, Rico Barrera, AJ Perez, Mystica at Councilor Ariel Inton.

* * *

Maraming napapabilib sa husay sa pagpa-patawa ng Lipgloss mainstay at Dance Squad singer member at Urban Edge endorser na si Zyrus Desamparado bilang si Poknat, sa nangungu-nang teen show sa bansa every Saturday at 5 p. m. sa TV5.

Natural na komedyante nga ang tawag sa batang aktor mula sa Cebu, na sinasabing sususunod sa yapak ng magagaling na komedyante tulad nina Dolphy, Vhong Navarro, Tito , Vic and Joey, kung mabibigyan ng magagandang proyekto.

Bukod sa Lipgloss ay kasama rin si Zyrus sa Cinemalaya Film na Eng-kuwentro ni Direk Pepe Diokno na may premeire night sa CCP sa July 19.

Nasa cast din sa said film sina Felix Roco at Eda Nolan.

Source: Taliba