Apr 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Hubad na katawan nina Piolo Pascual, Polo Ravales at KC Montero, mabenta sa EDSA!

Hubad na katawan nina Piolo Pascual, Polo Ravales at KC Montero, mabenta sa EDSA!

Author: Ruel Mendoza

ANG mga naglalakihang lighted billboards ang madalas na nakikita namin sa tuwing dumaraan kami sa kahabaan ng C5 at EDSA. Eh kasi, kahit sino naman ay hindi talaga maiiwasan na pagmasdan ang mga ito dahil mga hubad na lalake ang mga nakalarawan dito.

Ito nga ang nakakapagtaka sa advertising ngayon dahil mukhang mas priority nila ang mag-advertise ng mga lalaking pinapakita ang kanilang mga maskuladong katawan, mga nagtitigasan na abdominal muscle at mga mukha na tila nang-aakit ng parehong babae at lalake.

Ibig sabihin ba nito na mas nagke-cater na ngayon ang advertisers sa mga bading o doon sa tinatawag na pink money? Mas marami nga bang datung ang mga bading kesa sa mga straight na lalake at babae?

Pero nakapagtataka rin na kung bakit kailangang hubad pa ang katawan ng lalake kahit na alam natin na hindi naman kailangan. Minsan ay taliwas sa kanilang concept ang produktong ina-advertise.

Nauunawaan namin ang konsepto ng mga underwear ads. Dapat nga lang na ipakita ang kanilang male models na suot ang mga ito. May mga nakakaiskandalo ngang mga billboards pero ito ang nakaka-attract sa marami. Lalo sa mga bading. Kaya nga naging usap-usapan ang mga naging billboards noon nila Jay-R, Wendell Ramos, John Hall at Rafael Rosell para sa Bench.

Ang konsepto ng billboard ni Polo Ravales para sa Folded & Hung ay pagpapakita rin sa magandang hubog ng katawan niya. Bagamat sexy si Polo, still, nandoon ang mga damit na kanyang iniendorso.

Isa pang magandang konsepto na billboard ay ang DermStrata na pinapakita rin ang hubad na katawan ni KC Montero. Tama lang ito dahil pinapakita ang magandang epekto sa balat ng pagpapatingin sa naturang derm clinic. In fairness, kakinisan naman ang kutis ni KC at tinago talaga nila ang mga tattoo nito sa katawan.

Nandiyan pa ang billboard ni Piolo Pascual para sa San Mig Coffee Sugar Free. Medyo naguguluhan lang ako, dahil kape ang iniendorso ni Piolo, pero bakit kailangan magpakita siya ng hubad niyang katawan?

Maiintindihan namin kung protein drink iyon or any other beverage na pampaganda ng katawan. Pero kape nga ang iniinom niya. Kailangan bang maghubad para lang sa isang tasang kape?

Pero, in fairness, maganda ito at siguradong marami ang naaliw na tingnan ito.

Kapansin-pansin nga na tila maluwag ang advertising ngayon, lalo na sa pagpapakita ng mga katawan. Noon, isang malaking no-no ang ganyang mga konsepto dahil sa conservative society natin. Pero ngayon, pagandahan na ng katawan, �yun nga lang hindi na babae kundi lalake ang labanan ngayon.

Kaya naniniwala kami na ang mga bading nga ang may mga pera ngayon. Sa kanila kine-cater ang malaking percent ng mga produkto. Kung noon ay tinitimbang nila ang babae at lalake, pero mukhang malaki na ang lamang ng mga bading sa society.

Oo nga naman, kung saan nga naman mas malaki ang pagkakakitaan, doon dapat nakatutok ang mga advertisers, kahit na miyembro pa ang mga ito ng ikatlong lahi.

***

Ngayong Sabado ng gabi, isang nakakatuwang kuwento ang handog ng Ay, Robot! Sa QTV Channel 11. May titulong Don�t Judge a Book Because My Brother na sinulat ni Dan Salamante at mula sa direksyon ni Al Tantay, at tatalakay ang istorya sa temang Prejudice.

Special guests dito sina Maureen Larazabal (Mayumi) at Garry Lim (Gilbert).

May malaking problema si Roda dahil sa lagi siyang tinutukso ng mga bata na mataba siya. Kaya nagdesisyon siyang mag-diet. Sa parlor naman ni Emma, hirap na hirap ito dahil wala ang kanyang Mommy Joy para tulungan siya sa mga costumers.

Biglang nag-apply bilang parlor assistant ang kuba na si May. Noong una ay ayaw siyang kunin ni Emma dahil nga kuba ito pero dahil sa kailangan na niya ng assistant, tinanggap na rin niya kahit ayaw niya sa hitsura nito.

Maraming pangyayari ang nadiskubre, at �yun ang dapat niyong tutukan.

Tampok nga sa Ay, Robot! sina Ogie Alcasid, Tanya Garcia, Ryza Cenon, CJ Muere, Gabe Mercado, Joy Viado at Sam Bumatay.

Source: Abante