|
|
| iGMA: Ara Mina says she's happy with her career, lovelife nowAuthor: Erick Mataverde Patuloy na nagbibigay ng buhay Si Ara Mina sa mga umaatikabong eksena sa Tinik Sa Dibdib. At tulad ng karakter niya sa istorya, makulay din ang takbo ng kanyang totoong buhay at career. Nang makapanayam ng iGMA si Ara kamakailan, tinanong sa kanya kung may mga tinik sa bibdib ba siya sa totoong buhay. At pabiro siyang sumagot na. "Marami, tinanggal ko na isa-isa. [Mga] marka na lang." Pero bawi ng seksing aktres, "Wala namang ganun talaga sa life." Ang totoo ay very contented daw si Ara sa mga nangyayari sa buhay niya lalo't sunod-sunod ang mga successful shows niya from Dapat Ka Bang Mahalin at ang current Dramarama sa Hapon show niya. "I am very happy, actually ine-enjoy ko 'yung pagiging tahimik ng buhay ko lately. Pero siyempre hindi pa rin natin maiiwasan 'pag may mga issues. Parang, ano na lang, deadma na lang," salaysay niya. "Kasi alam ko naman sa sarili ko na I'm happy with my life, I'm happy with my special someone. So wala lang deadma lang. Hindi na nag ma-matter ang mga issues," pagpapatuloy ng aktres. Ikinuwento din ni Ara na tuwang-tuwa rin siya sa kapatid niyang si Christine Reyes na kamakailan din ay napag-usapan na hindi daw sila nagkakasundo. Ngunit matapos ang bagyong 'Ondoy', matatandaan na kina Ara pansamantala tumira si Christine. Of course, alam din naman natin na umaani rin ng malaking tagumpay ang nakababatang kapatid sa panibago niyang pelikula, Patient X. "She's doing good lately, puro work siya. I am very happy for her at successful na rin siya. About the issues? Luma na 'yun!" banggit ni Ara. "Wala na sa vocabulary ko ang mag-sermon. Alam na niya yung tama at mali. And nobody is perfect naman eh. Lahat ng tao nagkakamali. And 'pag nagkamali, bangon ulit. Kailangan mo maka-experience ng failure bago ka maka experience ka ng success. And ito [ang] natatamasa na niya ngayon." Pati na din sa mga issues ng pagpapa-seksi ni Christine ay dinismis din ni Ara dahil kakaiba na rin para sa kanya ang konsepto nito. "Ngayon ang pagpapa-sexy, more dinadaan sa pictorials eh. You can do most R-18 movies na," kuwento niya. "Wala na 'yan - sa mga indie movies puwede ka gumawa, but kailangan may istorya. Wala na 'yung panahon namin na every week may mga palabas na sexy films." Ano naman ang masasabi niya sa panibago niyang hamon dito sa T inik Sa Dibdib? "Goodbye Glacilda and hello Tricia!," ang deretsahang sagot ni Ara. Kaya huwag kaligtaan panoorin tuwing hapon ang mga madramang istorya sa Tinik Sa Dibdib pagkatapos ng Kaya Kong Abutin Ang Langit. Source: GMANews |